Pinas News
TATLONG katangi-tanging libro na mula pa noong 16th at 17th century ang natagpuan ng mga siyentipiko na nababalutan ng nakakamatay na lason.
Ang X-ray analysis ng mga libro na nanggaling sa silid-aklatan ng University of Southern Denmark ay nagpakita ng mataas na konsentrasyon, sa mga pabalat nito, ng arsenic, isa sa mga pinaka-toxic na substance sa buong mundo.
Malaki ang posibilidad na inilagay ito sa mga libro upang maprotektahan ang mga pahina laban sa mga insekto at vermin. Ang tatlong volume ay kasalukuyang nakatago na sa isang aparador na may bentilasyon at may safety label.