Ni: Crysalie Ann Montalbo
Paano mo nga ba naipapakita sa mga mahal mo sa buhay ang iyong pagmamahal?
Mula sa salita hanggang sa aksyon at maging sa intensyon ay masasabing may kakayahan ang lahat ng ito para maipakita ang pagmamahal sa isang tao.
Tinalakay ni Gary Chapman sa kanyang librong The 5 Love Languages, ang limang uri ng pagpapamalas ng pagmamahal.
WORDS OF AFFIRMATION.
Ito ang una sa mga lengguaheng nabanggit sa libro. Ito ay ang nararamdaman mong pagmamahal sa pamamagitan ng salita. Nabubuo ang iyong araw kapag ikaw ay nakakarinig ng magandang papuri o ‘di kaya naman ay may nagsasabi sa’yo kung gaano ka nila kamahal. Kaya ang kahinaan ng lengguaheng ito ay mabilis kang maging sensitibo sa tuwing ikaw ay nakaririnig ng masasakit na salita.
QUALITY TIME.
Pangalawa ito sa mahalagang lengguaheng nabanggit. Hindi man niya nasasabi ang pagmamahal niya sa’yo, matatanaw mo naman ito sa kanyang masugid na pagbibigay ng oras at atensyon sa ‘yo dahil dito niya naipapakita ang kahalagahan mo sa kanya. Ang kahinaan niya naman ay ang mga lakad na hindi natutuloy o kaya kapag hindi siya pinakikinggan.
RECEIVING GIFTS.
Ito ay hindi lang tumutukoy sa mga materyal na bagay. Sa likod ng mga regalong ibinibigay ay ang pagmamahal, kung paano niya pinaghirapan at pinaglaanan ng oras bago ito maibigay ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa iyo. Kapag ikaw ay may katangian nito, mahirap sa’yo na makalimutan ng paligid ang importanteng araw mo sa buhay.
ACTS OF SERVICE.
Binubuod nito ang mga aksyon ng isang tao ang nagsisilbing pagpapakita niya ng kanyang pagmamahal.
PHYSICAL TOUCH.
Dito ay naipapakita mo ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng pagyakap, paghawak sa balikat, mukha at kamay. Hindi ito ang sekswal na ating iniisip. Sa pagtataglay ng katangian na ito, mahalaga ang physical presence ng isang tao.