NANG magsahimpapawid ako sa radyo, ilan sa mga nakikinig sa akin ay mula sa ibang mga teritoryo. Gumagaling sila sa pamamagitan ng aking mensahe at sasabihin nila, kanila akong iimbitahin, “Pastor, kung maaari ay bumisita kayo dito dahil nais namin kayong makita. Pinagaling n’yo kami. Gusto namin kayong makita at mag-lay hands sa amin dahil marami pang mga tao ang may sakit dito na maaari ninyong mapagaling.”
Ngunit sinabi ng by-laws, “Hindi kayo makapupunta doon; hindi ninyo iyon teritoryo.” Bagama’t namamatay na ang mga kaluluwa, sabihin nitong mga by-laws na gawa ng tao na “Hindi ako makapupunta doon.”
Ano ang ginawa ko? Pumunta ako doon. Tinawag ako ng aming Sanhedrin. Inakusahan ako at sinabi nila sa akin, “Bakit ka nagtungo doon? Hindi mo iyon teritoryo.”
Sinabi ko, “Sa inyo na ‘yang by-laws ninyo. Tutungo ako kung saan ako kailangan upang ipalaganap ang pag-ibig, ang kagalingan, ang pagpapala at ang kaligtasan ng Dakilang Ama.”
SINUWAY NI JESUS CHRIST ANG SABBATH
Sinuway ni Jesus Christ ang mga batas na iyon, kagaya ng batas ng Sabbath, nang Siya ay pumarito.
Ganito isinaugali ang Sabbath sa Jewish Law. Sa batas ng Sabbath, kapag Sabado, kahit magsindi ng pospuro o dumampot ng patpat ay hindi ninyo puede magawa dahil ito ay bawal. Kailangan ninyong manatili sa bahay. Sa gabi ng Biyernes, kailangan kayong maghanda ng inyong pagkain dahil lahat ng pagkilos tungkol dito ay hindi pinapahintulutan kapag Sabado.
Noong nasa Israel ako, gumamit ako ng elevator sa araw ng Sabado at may isang Hudyo na katabi ko, at tinanong niya ako, “Hentil, maaari mo bang pindutin ang pindutan para sa akin?”
Sabi ko, “Bakit? Hindi mo ba kayang pindutin ‘yan?”
“Sabbath ngayon. Hindi ko ‘yan maagawa,” ang tugon niya.
Dumating dito si Jesus Christ at nakita Niya ang mga kahangalan ng batas na iyon at Kanyang sinabi, “Kapag sa panahon ng Sabbath at nakita ninyo ang inyong kambing na nahulog sa kanal at ito ay mamamatay na, hindi ba ninyo sasagipin dahil sa Sabbath?”
Tatadyakan ko ang mga by-laws na iyan at sasagipin ko ang aking kambing. Patuloy kong pakakainin ang mga bata. Kahit na kunin ninyo ang lahat ng aking pera, patuloy kong pakakainin ang mga bata. Kukuha ako ng pera sa ibang lugar. Bakit? Dahil ang Ama ang siyang magbibigay.
ANG PAG-IBIG NI JOB SA PANGINOON
Nakita ng demonyo si Job, ang tagapaglingkod ng Panginoon, napakamasagana, sampung libong mga baka, sampung libong mga tupa, magagandang mga anak. Nakita ito ni Satanas. Ang mata ni Satanas ay puno ng inggit. Kapag makita niyang kayo ay namumuhay ng komportable, sasabihin niya, “Hah, ayan ikaw, inggit na inggit ako sa iyo.”
Binisita ni Satanas ang langit. Sinabi ng Panginoon, “Bakit ka narito? Ano ang iyong dahilan sa pagpunta rito?”
Sinabi ni Satanas, “Narito ako dahil kay Job, ang inyong tagasunod. Naglilingkod lamang siya sa Iyo dahil pinagpapala Niyo siya.
Sinabi ng Panginoon, “Subukan mo siya. Kunin ang lahat ng kanyang mga pagpapala. At makikita mo na siya ay matapat sa akin. Hindi niya ako tatalikuran.”
Kaagad-agad sa kanyang makakaya ay mabilis na bumaba si Satanas sa mundo. Sa unang yugto, alam ba ninyo kung ano ang nangyari? Kinuha niya lahat ng mga hayop ni Job na nasa 40,000 lahat. Lahat ay kinuha. Ang kanyang mga bataan ay pinatay. Isa lamang ang natitira na siyang nagbigay sa kanya ng balita, “Job, ako na lamang ang natira sa lahat ng iyong mga bataan.”
“Anong nangyari?”
“Dumating ang mga magnanakaw, Job. Kanilang ninakaw ang lahat ng mga alagang hayop. Kanilang pinatay ang ibang mga bataan na kasama. Ako nalang ang natira upang ibalita sa inyo. Masamang balita ito, Job.”
Sinabi ni Job, “Ang Panginoon ang nagbigay at ang Panginoon ang nagalis. Purihin ang pangalan ng Panginoon.
Unang yugto, knocked down si Satanas.
Kung may mata kayo na katulad ni Satanas, nakikita ninyo ang kanyang nakikita. Kayo ay puno ng inggit at paninibugho. Tanggalin ang mga matang iyan; iyan ang panlilinlang ni Satanas. Punuin ito ng pag-ibig upang kayo ay pagpapalain. Huwag mainggit. Ang bansang ito ay puno ng inggit. Ang buong mundong ito ay puno ng inggit. Huwag maging kagaya nito. Hindi kayo pagpapalain sa pamamagitan niyan.
Bumalik si Satanas sa Panginoon. Sinabi ng Panginoon, “Nasumpungan mo ‘yan?”
Sinabi ni Satanas, “Hindi pa tapos ang laban.” Bumalik siya muli. Marami pa ring mga tupa, may 40,000 pang lahat. Bumalik muli ang mga magnanakaw. Kanilang ninakaw ang lahat ng mga tupa at pinatay ang mga bataan. Isa lamang ang naiwan.
“Job, masamang balita na naman! Kanilang ninakaw ang ating mga tupa; ako na lamang ang naiwan.” Ano ang sinabi ni Job? “Ang Panginoon ang nagbigay at ang Panginoon ang nagalis. Purihin ang pangalan ng Panginoon.”
Hindi natinag si Job. Sa ikalawang yugto ay knocked down muli si Satanas. Nagkaroon na siya ng basag na ngipin.
Sa ikatlong yugto, sinabi niya, “Meron pa akong karagdagang gagawin. Meron pa akong gagawin sa kanya.” Ano ito? Isang araw, nagsasaya ang pitong anak ni Job sa kanilang baha; sila ay nagpa-party. Dumating ang malakas na alimpuyo at tumama ito sa bahay na siyang dahilan upang ito ay mawasak. Napatay nito ang lahat ng anak ni Job. Isang bataan lamang ang nakaligtas na siyang nagtungo kay Job.
“Job, Job, masamang balita na naman. Lahat ng inyong anak ay namatay. Nagdiriwang sila sa inyong bahay, dumating ang alimpuyo at nawasak ang bahay. Patay silang lahat Job!
Sinabi ni Job, “Ang Panginoon ang nagbigay at ang Panginoon ang nagalis. Purihin ang pangalan ng Panginoon.”
Hindi siya natinag.
Pagkatapos ay ano pa? Sinabi ng Panginoon. “Mayroon ka pa bang nakikita?” Wala nang naiwan. Wala nang naiwang tupa, wala na ang mga inilagaang hayop, wala na ang pamilya. Wala na.
Nakita ni Satanas na nanatiling malusog pa rin si Job. Dumating si Satanas at pinuno si Job ng mga butlig, at pigsa mula ulo hanggang paa. Umalingasaw ang kanyang amoy. Hindi siya makauupo. Hindi siya makatatayo. Hindi siya makahiga. Pinarusahan siya nang husto ni Satanas.
Sinabi ni Satanas, “Job, tingnan mo ang sarili. Nawala na sa iyo ang lahat. Nawala na sa iyo ang iyong pamilya. Tingnan mo ang iyong kalagayan, Job. May mga pigsa ka mula sa tuktok ng iyong ulo hanggang sa iyong talampakan at bumabaho, nangangamoy ka na. Patuloy ka pa bang maglilingkod sa Panginoon, Job? Kung ako sa iyo, Job, isusumpa ko Siya at mamatay.
(Ipagpapatuloy)