BAKIT ako ay naging pamantayan? Dahil walang marumi at masamang intensyon sa aking puso. Kahit na buksan ninyo itong puso ko. Ito ay puno ng pag-ibig, puno ng pagsusunod sa Kalooban ng Dakilang Ama. Kung hindi ninyo iyan kila–lanin kayo ay isang bansa, isang tao o isang komunidad na masama.
BAWAT TAO AY HAHARAP SA ANAK SA ARAW NG PAGHATOL
Sa Araw ng Paghatol, lahat ng tao sa mundo, bilyon-bilyon sila, ay haharap sa paghatol. Wala sinumang hindi isasama ang mga hari, mga presidente, mga taong may pangalan, makapangyarihang tao –sila ay haharap sa paghatol. Silang lahat ay magiging isang taong walang titulo. Darating kayo doon na isang indibidwal lamang na isinilang sa mundong ito, isang taong may kaluluwa. At ang paghatol ay darating.
Kaya kung makikita ninyo ang mukha kong ito, gugustuhin man ninyo o hindi, kung nais ninyong pumunta sa langit, pilitin ang sarili na ibigin ako. Hindi mahirap na ibigin ako. Hindi naman pangit ang mukha ko.
Ano ang sasabihin Niya sa mga taong umiibig sa Kanya? “Pumunta ako sa inyong lugar, pinakain ninyo ako. Binigyan ninyo ako ng mainom. Binisita ninyo ako. Tinanggap ninyo ako nang ako ay isang taga-ibang bayan.”
“Kailan namin niyan ginawa, Panginoon?”
Sasabihin ng Panginoon, “Anak, pumarito ka. Tingnan ang aking Anak, na siyang aking ipinadala sa mundo bilang pamantayan ng paghatol at kaligtasan, para sa pagsunod at pagsisisi upang ang tao ay lumapit sa akin at sumunod sa aking mga Salita. Kilala ba ninyo siya?”
“Ay, opo! Siya si Pastor Apollo Quiboloy. Iyan ang aming Pastor, kahit dati ay karamay lamang ako.”
Kayong mga nag-text sa akin kahit na hindi pa kayo mga mamamayan sa Kaha-rian, hindi kayo makakalimutan ng Ama. Isang araw ay matatagpuan ninyo ako. Ha-hanapin ko kayo at ang Ama ay magsasabi, “Pumasok sa kagalakan ng Kaharian.”
Ngunit sa mga taong hindi gumawa nito, sa halip na tanggapin ako, sila ay gumawa ng kasamaan sa mabuti, sasabihin Niya, “Humayo sa walang hanggang kaparusahan.”
Inisip ba ninyo na gawa-gawa ko lamang itong mga salita? Basahin natin ang Kasulatan.
Mateo 25: 42-46:
(42) Sapagka’t ako’y nagutom, at hindi ninyo ako pinakain; ako’y nauhaw, at hindi ninyo ako pinainom;
(43) Ako’y naging isang taga ibang bayan, at hindi ninyo ako pinatuloy; hubad, at hindi ninyo ako pinaramtan; maysakit at nasa bilangguan, at hindi ako dinalaw.
(44) Kung magkagayo’y sila nama’y magsisisagot, na magsisipagsabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, o nauuhaw, o isang taga ibang bayan, o hubad, o may-sakit, o nasa bilangguan, at hindi ka namin pinaglingkuran?
(45) Kung magkagayo’y sila’y sasagutin niya, na sasabihin, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na yamang hindi ninyo ginawa sa maliliit na ito, ay hindi ninyo ginawa sa akin.
(46) At ang mga ito’y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa’t ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay.
Kung sinunod ninyo ang prinsipyo ni Mao Tse Tung at kayo ay isang komunista, ang inyong ama sa espiritu ay si Mao Tse Tung. Kung naniniwala kayo kay Marx at sa kanyang prinsipyo ng dialectic-materialism kagaya ng ginawa ng mga komunista, si Karl Marx ang inyong ama. Kung saan ang inyong ama ay naroroon din kayo.
Tanungin ako kung sino ang aking Ama sa espiritu. Ang Salita ni Jesus Christ, ininom ko ang lahat ng ito; kinain ko ang lahat ng ito. Ang Salita ni Jesus Christ at ako ay naging isa. Siya ang aking Ama sa Espiritu. Saan na si Jesus Christ ngayon? Siya ang nagmamay-ari sa kalangitan. Siya ang nagmamay-ari sa sanlibutan. Pinagmamay-ari niya ang buong mundo. At pinadala Niya ako. Naglagay siya ng mukha sa mga Salitang ito na sinulat lamang sa papel, at maaari ninyo itong ipaliwanag na ayon sa inyong gusto. Ako ang mukha ng mga Salitang ito. Ako ang katawan ng mga Salitang ito. Ako ang katawan ni Jesus Christ.
Kapag sinabi ko, “Hindi lahat ng nagsasabi, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa Kaharian ng langit, ngunit yaong gumagawa ng Kalooban ng aking Ama na nasa langit,” ang nagsalita ay si Jesus Christ. Dahil wala Siya dito sa pisikal, Siya ay gumawa ng katawan upang sabihin itong mga Salita. Ang mga Salitang ito ay pagmamay-ari Niya.
Kapag kayo ay naging isang Anak, mamanahin ninyo ang lahat ng mga bagay na meron ang Ama.
Ang Pahayag 21:7 ay nagsasabi, “ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako’y magi-ging Dios niya, at siya’y magiging anak ko.”
Kaya ako ay nagdadala ng pag-ibig sa mundo. Nakikita ba ninyo ang kamuhian na nasa mundo ngayon? Ito ay namamayani at si Satanas ay nananalo sa lahat ng sulok ng mundo. Kaya hindi ako nagustuhan ni Satanas dahil wawasakin ko ang kadiliman ng kamuhian sa liwanag ng pag-ibig sa buong sanlibutan.
“Ibigin ang Panginoon ng inyong buong puso.” Paano ibigin ang Panginoon ng buong puso ninyo? Huwag palitan ang Kanyang mga Salita. Huwag ibaluktot ang Kanyang mga Salita. Huwag pagtakpan ang Kanyang mga Salita. Huwag isantabi ang Kanyang mga Salita.
Ano ang gagawin ninyo kung tunay ninyong inibig Siya? Kayo ay magsisisi at sasabihin, “Mula ngayon, hindi ang aking kalooban, ang Inyong Kalooban ang masusunod, Ama sa aking buhay.” Ang Inyong Kalooban ay nangangahulugan ng Inyong kasunduan sa Bagong Tipan. Ito ang Pangako na Kanyang iniwan sa atin.
Ano ang Pangakong iyan? Na ang Kanyang Kalooban ang masusunod hindi lamang sa langit ngunit dito sa sanli-butan dahil bago Siya duma-ting sa Rebolusyon ng Pag-ibig na ito, ang mundong ito ay pagmamay-ari ni Satanas. Ang sanlibutang ito ay pinanirahan ni Satanas. Ang lahat na inyong makikita ay kamuhian, selos, at panibugho at intriga. Lahat na makikita ninyo ay pita ng laman, pita ng mata, at ang kapalaluan sa buhay. Saan ang Kalooban ng Panginoon? Hindi ito natatagpuan.
Ang relihiyon at denominasyon ay hindi sagot nito. Kanilang ipinangaral ang Salita. Kanilang pinangaral ang Kanyang Pangalan ngunit hindi nila sinusunod ang Kanyang mga Salita. Kaya gumawa siya ng kata-ngi-tangi nang sinabi Niya, “Hindi lahat na magsasabi, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa Kaharian ng langit, ngunit sa yaong mga tumutupad sa Kalooban ng Ama na nasa kalangitan.”
(Itutuloy)