PINAS

Arci, malapit ang puso kay Piolo

Ni: Crysalie Ann Montalbo

IBINUNYAG ng “Since I Found You” Kapamilya actress na si Arci Munoz na isa sa mga leading actor na talagang naging pinakamalapit sa kanya ay si Piolo Pascual.

Hindi raw malilimutan ng aktres ang mabuting loob na ipinapakita ng Kapamilya aktor sa kanya lalo na noong ASAP Tour na ginanap sa Hawaii noong Hulyo.

“Love ko talaga si Papa P. I love him. I love his heart. I love his personality. I love him as a person,” tuwang tuwang sinabi ni Arci.

Inamin niya rin na siya lang ang aktor na nakakaintindi sa kanyang personalidad at siya lang rin ang artista na kanyang nakakahang-out.

May tsansa ba na mahulog ang kanyang loob sa aktor?

“Parang huwag na lang. Pag naging girlfriend niya ako, pag nag-break kami, hindi kami okay,” saad ng aktres.

Itinuturing niyang mabuting kaibigan ang aktor. Ayon din sa kanya, ayaw niya ng boyfriend na galing sa showbiz.