Ang pag-inom ng maligamgam na tubig ay nakakabuti sa ating katawan.
Ni: Eugene B. Flores
Normal para sa atin na umpisahan ang araw sa pag-inom ng mainit na kape o di kaya ay ang pag-inom ng tubig na malamig matapos pagpawisan. Ngunit alam mo ba na may mas epektibong paraan upang simulan ang ating araw ng malusog at masigla?
Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng maligamgam na tubig ay may kaakibat na mga benepisyo para sa ating katawan. Kung kaya’t nirerekomenda ng mga eksperto na ugaliing uminom ng maligamgam na tubig sa umaga at maging pagkatapos pagpawisan. Mas nakakatulong umano ito kumpara sa nakagawian nating pag-inom ng malamig na tubig upang mapawi ang init na nararamdaman.
Ilan sa mga naidudulot nito sa ating katawan ay ang mga sumusunod:
-
Maayos na pagtunaw ng pagkain
Umpisahan ang araw sa pag-inom ng isang baso ng maligamgam na tubig upang matanggal ang mga tirang pagkain sa katawan at maging maayos ang pagtunaw. Pinapatigas naman ng malamig na tubig ang mga taba at langis sa katawan kung kaya’t nakakaapekto ito sa metabolismo ng isang tao.
-
Pangkontra sa maagang pagtanda
Hindi ligtas ang ating katawan sa mga toxins na nagdudulot ng maagang pagtanda ng ating mga balat at kalakip rin nito ay ang mabilis na pagkapit ng mga sakit sa ating katawan. Ang pag-inom ng maligamgam na tubig ay tumutulong sa pagsugpo sa mga toxin at tumutulong din sa pag-ayos ng skin cells.
-
Maayos na pagdaloy ng dugo
Kasama sa mga toxin na nililinis ng maligamgam na tubig ay ang mga fat deposit na nagiging hadlang sa maayos na pagdaloy ng dugo.