PINAS

Suspek, binigay ang ID habang nagnanakaw sa bangko

Pinas News

ARESTADO ang 51 taong gulang na si David Menser habang nagnanakaw sa bangko ng Columbus, Ohio.

Ayon sa Franklin County Sheriff’s Office, si Menser ay pumunta sa Huntington Bank at binigyan niya ng note ang bank teller kung saan nakasulat dito na siya ay armado at kailangan niya ng pera. Sa takot ng bank teller ay binigay niya ang isang salansan ng pera.

Ngunit hindi nakuntento si Menser, sa halip ay nag-demand pa siya ng maraming pera mula sa electronic recycle cash machine. Sinabi ng bank teller na kinakailangan muna ng ID bago makapag withdraw ng pera kaya agad namang ibinigay ni Menser ang kanyang driver’s license.

Hindi na niya naisip na siya ay mabilis na makikilala kaya mabilis siyang nahuli ng mga pulis mga ilang araw lamang ang lumipas.

Nasasangkot rin si Menser sa pagnanakaw sa tatlong bangko:

Sa PNC bank, 3500 West Broad Street noong  May 23; sa Heartland bank, 130 N. Wilson Ave. noong June 7; at sa PNC, 1715 Hilliard Rome Road noong June 12. Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng Franklin County Correction Center.