Ni: Eugene B. Flores
walang paglagyan ang umaapaw na kasiyahan ang mga Pranses matapos maging mapagtagumpayan ng France National Football Team ang kanilang laban kontra sa Croatia sa iskor na 4-2 sa Finals ng FIFA World Cup na ginanap sa Russia.
Ang pagkapanalo ng koponan ay nagbigay ng ikalawang kampyeonato sa bansa matapos huli nitong matikman dalawang dekada na ang nakararaan, kung saan dating kapitan ang ngayo’y manager nila na si Didier Deschamps.
Umabot sa isang milyong taga suporta ang nagdiwang buong gabi sa Champs Élysées matapos ipito ng referee ang pagtatapos ng laban. Libo-libo naman ang nakiisa bitbit ang watawat ng France sa parada ng mga kampyon sa kanilang pagbabalik. Malaki ang ambag ng football sa bansa kung saan isa ito sa inaasahan upang magkaisa ang mga mamamayan at mabigyan ng lunas ang mga sakit sa lipunan. Ibang-iba umano ang pagdiriwang ng kampyonato ngayon kumpara noong una itong nakamit na ginanap mismo sa kanilang bayan.
DOMINANTE KONTRA CROATIA
Hindi biro ang mga naging laban ng parehong koponan bago marating ang World Cup finals at pinatunayan ng France na sila ang paboritong manalo kontra sa underdog na Croatia.
Bagama’t naging mahigpit ang depensa ng Croatia sa first half, isang pagkakamali ang nagbigay sa France ng kalamangan nang maipasok ni Croatian forward Mario Mandzukic sa kanilang sariling net ang bola, ang kauna-unahang own goal sa World Cup finals.
Naitabla ni Ivan Perisic ng Croatia ang iskor sa 1-1 matapos ang isang magandang set play ngunit ito’y tinawagan ng handball na nagresulta sa isang penalty kick na matagumpay na naipasok ni Antoine Griezmann sa 38th minute mark.
Nagpatuloy ang kalbaryo ng Croatia nang maka-goal si Paul Pogba ng France sa 59 minute mark. Siya ang kauna-unahang premier league player na naka-iskor sa finals simula noong 1998 at ang nag-iisang Manchester United player na nakapagtala ng puntos sa finals.
Pinilit makabalik sa laban ng Croatia na kanilang ginawa sa buong torneyo ngunit tuluyang inalis ni Kylian Mbappe ang natitirang pag-asa ng mga ito matapos selyohan ang inaasam na titulo sa kanyang 65-minute mark goal.
WONDER KID NA SI MBAPPE
Pinahanga ng Les Bleus footballer na si Mbappe ang buong mundo sa ipinamalas nitong gilas sa World Cup kung kaya’t tinanghal ito bilang “best young player of the tournament.”
Ang goal ng 19-year old Mbappe kontra Croatia ay nagtalaga sa kanya bilang ikalawang pinakabatang manlalaro na nakaiskor sa final. Si Pele, isang Brazilian footballer, ang kauna-unahang binatilyong nakaiskor sa World Cup finals noong 1958 sa edad na 17. Ipinaabot ni Pele ang pagbati kay Mbappe sa Twitter. ”Welcome to the club, @KMbappe — it’s great to have some company,” aniya.
Nagbigay naman ng saloobin ang PSR star tungkol sa kanyang nakamit, ”Pele made football history, I am just trying to follow my own path. I am just starting out. I try to play as I have always done. I am breaking records. Scoring is always special. I have always been working toward moments like this one. This is not the end. I must continue, we must continue, because I have the ambition to go further,” ani Mbappe.
Malaking bagay umano ang tiwala upang makamit ng koponan ang kompyoenato at ang mga pangarap nito sa football. “Wherever my potential allows me to go, winning a World Cup this early opens many doors. What made me think two months ago that we could win it? You must always believe. Quality is not always enough, but it is a good base. In a competition like this one, it is not only the most beautiful that win, but those who believe the most. We believed — iron belief,” sambit ni Mbappe.
GOALKEEPER NG FRANCE, MAY DUGONG PINOY
May bagong dahilan upang matuwa ang ating mga kababayan sa pagkapanalo ng France. Anak ng mag-asawang Pinoy ang isa sa tatlong goalkeeper ng France, si Alphonse Areola.
Pebrero 27, 1993 noong ipinanganak ng mag-asawang Pilipino sa Paris, France ang ikatlo sa kanilang apat na anak. Doon na rin lumaki ang 25 anyos na si Alphonse na ngayon ay kasal sa may dugong Pinoy din na si Marrion Valette Areola, isang Filipino-Lebanese. Mayroon silang dalawang anak na babae.
Pitong taon pa lamang si Alphonse nang ito’y magkahilig sa larong football at kalauna’y sumabak na ito sa propesyonal na liga. Unang naglaro ang goalkeeper sa PSG sa edad na 16. Makailang beses na rin ito naglaro sa World Cup. Bagama’t ibang bandila ang kaniyang dinadala sa mga laban, hindi maikakaila ang husay ng isang may dugong Pinoy.
Ang pagkapanalo ng team France sa World Cup Finals. LARAWAN MULA SA INTERNET