PINAS

Kris at Willie, pwede nga ba?

Ni: Crysalie Ann Montalbo

ISINISIGAW ng mga netizen ngayon ang pwedeng tambalan ng aktres na si Kris Aquino at Wowowin host na si Willie Revillame simula noong ito ay nag-surprise visit sa bahay ni Kris sa Quezon City.

Binisita ni Willie ang panganay na anak ni Kris na si Josh na nakararanas ngayon ng erosive esophagitis dulot ng matinding acid reflux at ulcer.

Ayon sa mga netizen, may malaking potensyal ang kanilang tambalan lalo na’t pareho silang walang lovelife. #WilKris ika nga ng sigaw ng marami.

Sinagot naman ng aktres ang mga katanungang bumabagabag sa mga netizen.

Sa isang comment sa Instagram, nilinaw rin niya na si Josh ang dahilan ng pagbisita ni Willie at hindi siya.

“Baka raw ma-chismis kami… di raw sya prepared gumulo ang life nya!!! Please super nag magandang loob, wag bigyan ng problema. We love Willie.”