PINAS

Lalaking nagbayad ng parking ticket, 44 years late

Lalaking nagbayad ng parking ticket, 44 years late

Pinas News

ISANG misteryosong motorista na pinangalanan ang sarili niya bilang Dave ang nagsabing may dala siyang parking ticket sa halagang $2 matapos pumarke sa isang restricted zone noong taong 1974.

 

Ang mga pulis sa Minersville sa Schuylkill County ay nakatanggap ng sulat-kamay na mensahe galing kay Dave na umaaming may hindi siya nabayarang parking ticket kalakip ang isang $5 na pera.

 

Ang nilalaman ng mensahe ay: “Dear PD, I’ve been carrying this ticket around for 40+ years. Always intending to pay. Forgive me if I don’t give you my info. With respect, Dave.”

Ang return address ay: “Feeling guilty, Wayward Road, Anytown, Ca.”

Ang sabi ni Police Chief Michael Combs ay hindi siya makapaniwala na may taong magtatago ng ticket nang ganoong katagal at nagawang bayaran pa ito.