NOONG taong 1950, 5% ng kababihan ang kinulayan ang kanilang buhok. Umakyat ang bilang nito sa 75% sa kasalukuyan.
Ni: Kristine Joy Labadan
KUNG sa tingin mo alam mo na ang lahat ng dapat malaman tungkol sa iyong buhok ay dapat muli mo itong pag-isipan. Maaaring alam mo na ang tamang pag-aalaga rito ngunit may mga bagay pang maaaring hindi mo aakalaing totoo patungkol sa iyong buhok.
Matapos basahin ito, ‘wag matakot kwestyunin kung sapat na nga ba ang iyong kaalaman tungkol sa iyong buhok.
- Ang buhok ay karamihang binubuo ng keratin, ang parehong protina na makikita ating mga kuko at sa sungay, pangkalmot, balahibo, at pangtuka ng mga hayop.
- Mas mabilis nang kaunti tumubo ang buhok sa mainit na panahon dahil ang init ang nagdudulot ng sirkulasyon para sa pagtubo ng buhok.
- Ang iyong buhok ay patay na maliban sa loob ng epidermis ng iyong anit.
- Ang buhok ang naglalaman ng halos lahat ng impormasyon tungkol sa iyong bloodstream kaya isa ito sa mga karaniwang ginagamit na forensic evidence.
- Hindi kayang malaman sa pamamagitan ng buhok ang iyong sekswalidad sapagkat ang istruktura ng buhok ng lalaki’t babae ay pareho lamang.
- Itim ang pinaka karaniwang kulay ng buhok. Pula ang pinaka natatangi na sinusundan naman ng blonde sa buong mundo.
- Ang buhok ay maaaring tumubo sa kahit ano’ng parte ng katawan maliban sa iyong mga palad, talmapakan, mga labi at mucuos membranes.
- Maliban sa bone marrow, buhok ang pinakamabilis na tumutubong tissue sa ating katawan.
- Ang pagka-panot ay nagsisimula lamang kapag nawala na ang 50% ng iyong buhok mula sa iyong anit.
- Sa kahit anong oras, 90% ng buhok sa iyong anit ay tumutubo habang ang 10% nama’y namamahinga.
- Ang isang hibla ng buhok ay may lifespan na limang taon.
- Bawat hibla ng buhok ay kayang sumuporta ng 100 gramong bigat. Kung pagsasamahin ang lahat ng buhok sa ulo ng mga 100,000 hanggang 150,000 na ulo ng tao kakayaning suportahan ang bigat na katumbas ng dalawang elepante.