Buo ang suporta ni Senador Drilon sa anti-political dynasty bill na kasalukuyang nasa Senado
Ni: Eugene B. Flores
“The time for debate is over. Thirty-one years ago, the Filipino people mandated us in Congress to enact an anti-political dynasty law. It is time for us to act now. Let us pass Senate Bill 1765 now,” wika ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagpahayag ng buong suporta para maipasa ang anti-political dynasty bill sa lalong madaling panahon.
Aniya pa niya upang mas masiguro ang tagumpay ng bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM, na kamakailan ay pinirma na umano Pangulong Duterte, kinakailangan nang maipasa ang anti-political dynasty law. Noong nagtipon ang bicameral conference committee, pinilit nito na maipasama ang anti-political dynasty law sa Bangsamoro Organic Law ngunit hindi ito naaprubahan.
“Our nation’s dream for a stable and progressive Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao will fail unless we adopt an anti-political dynasty law that will be in place before a Bangsamoro government is installed,” dagdag pa niya.
Nangangamba umano ang senador na baka magpatibay lang lalo sa mga warlord at mga kilalang politiko sa rehiyon ang malaking kapangyarihang makukuha ng gobyerno ng Bangsamoro. Binanggit din nito na ayon sa isang pag-aaral, numero unong dahilan ng paglubog sa kahirapan ng mga lugar sa rehiyon ay ang dinastya sa pulitika.
Sa kasalukuyan, nasa senado pa ang bill na ito na naglalayong pagbawalan ang dinastya sa mga politiko ng bansa at may kaakibat na parusa ang sino mang lalabag dito.
Ayon sa Senate Bill 1765, binigyan ng kahulugan ang political dynasty bilang ang, “concentration, consolidation, and/or perpetuation of public office and political powers by persons related to one another within the second degree of consanguinity or affinity.”
Ibig sabihin, nasasakop nito ang mga kapatid full blood man o half blood, asawa legal man o common-law, mga anak legitimate, illegitimate at adopted, mga magulang, mga apo at maging mga asawa ng mga nabanggit na kamag-anak.
Ipagbabawal sa mga ito ang pagtakbo sa nasyonal at rehiyonal o lokal na pwesto sa iisahang botohan o eleksyon.
Umapela si Senadora Poe sa Pangulong Duterte upang maisabatas ang anti-political dynasty law sa lalong madaling panahon
MAS PRODUKTIBONG PAGLILINGKOD
Katulad ni Senador Drilon, buo rin ang suportang ibinigay ni Senadora Grace Poe para sa pagpapabilis ng senado para maisaayos ang Senate Bill 1765.
Bagama’t sinabi ng Senadora na hindi lahat ng political dynasties ay nakakasama para sa bansa, nalilimitan pa rin umano ng mga ito ang kapangyarihan na nanantili lamang sa kamay ng mga magkakamag-anak.
“..dahil sa mga political families, hindi nakakaupo sa gobyerno ang mga pinakamagaling at pinakamatalinong mga Pilipino. Maraming Pilipino ang gustong maglingkod, pero hindi kaya dahil ‘reserved’ na ang mga puwesto para sa kapatid, anak o asawa ng pulitiko.” Wika nito.
“Our country has been called an ‘Anarchy of Families.’ Pero sa totoo, I think politics in our country is more like a game of “Trip to Jerusalem”– si Mayor ay makikipagpalit kay Governor, si Board Member ay magiging Congressman. And in doing so, the circle of available ’seats’ gets smaller every election cycle,” dagdag pa niya.
Nagkakaroon din umano ng palaksan dahil sa ganitong dinastya, kung saan ang mga malalapit sa mga namumuno ay nagkakaroon ng tsansyang magkaroon ng pwesto sa pulitika.
“The regulation of political dynasties is consistent with the aspiration in the country for a more inclusive society, a fairer and more competitive political process, and a more balanced and inclusive political development.” Sabi ni Senador Drilon
Sa pamamagitan ng anti-political dynasty law, mabibigyan ng pantay na oppurtunidad ang mga taong may puso at nais maglingkod tungo sa ikauunlad ng bansa.
Isinusulong sa Senado ang Anti-political dynasty bill
PABOR ANG MGA SENADOR
Tumakbo ang usapin ukol dito matapos makatanggap ang proposal na anti-dynasty bill na in-sponsoran ni Senador Francis Pangilinan ng 13 pirma mula sa mga senador noong Mayo. Ang suporta ng mga senador ang dahilan ng patuloy na laban para maisabatas ito.
Kabilang sa mga pumirma ay sina Senadora Nancy Binay, Senadora Grace Poe, Senadora Risa Hontiveros, Senadora Loren Legarda, Senadora Leila de Lima, Senador Francis Pangilinan, Senador Sherwin Gatchalian, Senador Panfilo Lacson, Senador Ralph Recto, Senador Bam Aquino, Senador JV Ejercito, Senador Sonny Angara at si Senador Franklin Drilon.
Nagpahayag din ng suporta ang Pangulong Rodrigo Duterte sa nais ng mga senador, bagama’t siya mismo ay nagmula rinsa isang political family. “A few of the principled men, I would say, want this kind of thing about dynasty is abolished. I am for it,” sabi ng Pangulo.
Bagama’t may alinlangan kung papasa ito sa Kongreso, sinabi niya na “Dumadating itong dynasty, dynasty law. Nirerespeto ko yan. If that is the will, (kung) yun ang gusto ng tao. Walang problema yan.”
Umapela naman si Senadora Grace Poe sa Pangulo. “Mr. President, we have a choice today. We can stick to the status quo or we can take a step toward greater political and economic inclusion by immediately passing this measure,” aniya.
Naging mailap ang usapin sa pagbabawal ng political dynasties sa mga nakaraang dekada bagama’t nasa konstitusyon ang pagbabawal nito ay dahil sa karamihan ng mga nasa pulitika ay nagmula sa mga political family na patuloy na naipapasa hanggang sa kasalukuyan.