PINAS

War vs. Poverty: ILABAN NATIN YAN!

War vs. Poverty: ILABAN NATIN YAN!

Pagbibigay ng DSWD ng cash grants sa mga beneficiaries of the Pantawid Pamilya Pilipino Program.

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

SINASABI ng mga pag-aaral na ang tuloy-tuloy na mataas na economic growth ng Pilipinas ay nakapagpababa ng antas ng kahirapan ng bansa sa mga nakalipas na taon. Sa ikalawang bahagi ng 2018, nakapagtala ng gross domestic product ang Pilipinas ng anim na porsyento, na isa pa rin sa mga matataas na GDP growth sa Asia.

Subali’t ang magandang performance na ito ay tila natatabunan ngayon ng mga isyu ng pagsipa ng inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa, na umabot ng 5.7 porsyento. Kaya naman padami nang padami ang uma-aray sa pagpupumilit na pagkasyahin ang pang araw-araw na badyet. Pangunahing apektado rito ang mga mahihirap.

Ayon sa World Bank, maraming Pinoy ang di ramdam ang paglago ng ekonomiya dahil namumuhay pa rin sila sa ilalim ng national Poverty line.

“Despite the generally good economic performance, poverty remains high and the pace of poverty reduction has been slow,” ayon sa report na “Making Growth Work for the Poor: A Poverty Assessment of the Philippines” ng World Bank.

Ayon sa report, nasa 21.6 porsyento ng mga Pinoy ang namumuhay sa ilalim ng poverty line, na isa sa mga matataas na poverty rate sa Asia.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang pagsusumikap ng Administrasyong Duterte upang iangat ang pamumuhay ng bawa’t Pilipino, lalo na yaong mga kapos-palad, sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa.

AYUDA SA MARALITA

Isa sa mga ipinagmamalaking accomplishments ng Administrasyon ang libreng matrikula para sa mga mag-aaral ng mga State Universities and Colleges (SUCs) na sinimulan noong nakaraang school year. Ikinagalak ito ng maraming Pilipino dahil di na magiging hadlang ang kahirapan sa edukasyon, na siyang susi sa magandang kinabukasan.

Ngayong school year 2018-2019, nasa 1.3 milyong college students ang nakatatamasa ng libreng edukasyon sa mga SUCs at local universities and colleges, samantalang 300,000 mahihirap na mag-aaral ang makikinabang mula sa Unified Financial Assistance System for Tertiary Education Act ng Commission on Higher Education.

Bukod dito, nagpapatuloy ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan binibigyan ng PHP2,400 ang 4.5 milyong beneficiaries, na pondong dulot ng TRAIN law.

Ayon kay DSWD Acting Secretary Virginia Orogo, sa pamamagitan ng mga programa tulad ng 4Ps, target na maibaba ng 14 porsyento ang poverty incidence sa bansa bago magtapos ang termino ng Pangulo.

“Bago matapos ang term ni President Duterte sa 2022, at least mabawasan ng 14 percent ang poverty incidence. We’re doing our best in the current programs which are being implemented. Little by little, we are doing our best to reduce the poverty incidence,” wika ni Orogo.

United Nations Development Programme Senior Economist Adviser Andrew Parker

NATIONAL ID: PRO-POOR

Naniniwala ang isang opisyal ng United Nations Development Programme (UNDP) na malaking tulong para sa mga mahihirap ang pagkakaroon ng national ID system sa Pilipinas.

Ayon kay UNDP Senior Economist Adviser Andrew Parker, ang masalimuot na sistema ng pagkakaroon ng iba’t-ibang ID requirements para sa mga transaksyon sa gobyerno ay dagdag pasakit sa mga maralita, na ang pangunahing isipin ay ang makaraos sa araw-araw na pamumuhay.

If you are a poor person and if you want to claim benefits, you have to have different ID cards for different programs when you go to government agencies. Losing one card means losing access as result to it,” wika ni Parker sa kanyang mensahe sa ginanap na Poverty Alleviation and Sustainable Development Conference na ginanap sa Catbalogan City, Samar.

Pinuri ng naturang eksperto ang Philippine Identification System Act, na kamakailan ay tuluyang isinabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte, na nagtatakda sa pagkakaroon ng isang valid identification card na lamang para sa lahat ng naninirahan sa bansa, na maaring gamitin sa lahat ng pakikipag-transaksyon sa mga ahensya at financial institutions ng gobyerno, government-owned and controlled corporations, at maging sa mga pribadong institusyon.

Dagdag ni Parker, ang pagkakaroon ng national ID ay nagbibigay ng pantay-pantay na oportunidad sa mga mahihirap at may-kaya sa mga serbisyo at benepisyo mula sa gobyerno, bagay na ayon sa Sustainable Development Goals ng UN.

Naunang sinabi ni Duterte na kaakibat ng national ID ang maraming benepisyo, kaalinsabay ang pagtitiyak sa seguridad ng mga pribadong impormasyong tataglayin nito.

There is, therefore, no basis at all for the apprehension about the Phil ID unless of course that fear is based on anything that borders to illegal. If at all, the Phil ID will even aid in the drive against the social menace of poverty, corruption, and criminal issues as well as terrorism and violent extremism,” wika ng Pangulo.

INTERNET: SUSI SA PAG-ASENSO

Ipinunto rin ni Parker na malaking tulong ang pagkakaroon ng mahusay na internet service sa pagpapababa ng antas ng kahirapan sa bansa sapagka’t magagamit ang teknolohiyang ito sa pagnenegosyo at trabaho.

“If you don’t have that internet access, it’s very hard to take advantage of all those opportunities that is out there. Once you are connected to the Internet, you can already sell your product to the global market place. This offers a whole new range of opportunity that can leap the development and growth process,” paliwanag niya.

Batid ito ng Administrasyong Duterte kaya sinsikap nitong maipasok sa bansa sa lalong madaling panahon ang ikatlong telecommunications company na maghahatid ng mas epektibo at abot-kayang serbisyo sa publiko.

Ayon kay Department of Information and Communication Technology (DICT) Officer-in-Charge Eliseo Rio, Jr., pipiliin ng pamahalaan ang ikatlong major telecommunication playerbatay sa husay ng serbisyong maibibigay nito at hindi sa pamamagitan ng bidding.

Aniya, susuriin ng committee, na binubuo ng DICT, Deparment of Finance, Office of the Executive Secretary, at Office of the National Security Adviser, ang mga kakayahan ng bawa’t aplikante at pipiliin yung may pinakamagandang teknolohiya.

Iaanunsyo sa Disyembre ang mapipiling telco at papayagan nang mag-operate sa bansa sa 2019, na limang taong oobserbahan ng DICT.

“Ito ang assurance namin that the third player will have some commitment that were never done or never asked from Globe and Smart because we want the third player to have a standard that can bring our telecomm industries at par with our neighbors,” wika ni Rio.