ANG misyon ni Satanas para sa inyo ay tumalikod at sumpain ninyo ang Panginoon dahil sa nangyayari sa inyo.
Sinabi ni Satanas, “Sino pa ang naiwan? Ah, ang asawang babae niya ay naroroon pa!” Kayong mga asawang babae, mag-ingat kayo. Siya ay lumapit sa asawang babae at bumulong sa kanya, “Tingnan mo kung ano ang nangyayari sa iyong pamilya. Naglilingkod kayo sa Kanya ngunit dumating ang malas sa inyo. Ang lahat ng mga pagpapala ay naglaho, iniwan na kayo ng Panginoon. Wala nang naiwan.” Ngayon si Satanas ay pumasok sa kanya, at pagkatapos ay nagtungo kay Job.
Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay nasa puso ni Job, ng katapatan sa pagsunod ng Kanyang kalooban. Sinabi niya sa kanyang asawang babae, “Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama. Para sa akin ang lahat na nangyayari ay Kalooban ng Ama.”
Hindi natinag ang pananampalataya ni Job at siya ay tumingala sa langit at nagsabi, “Ang Panginoon ang nagbigay at ang Panginoon ang nag-alis; purihin ang pangalan ng Panginoon!”
Sa panahong ito, si Satanas ay natumba, siya ay naitumba ng pag-ibig ng Panginoon na naroroon kay Job. Ganyan kalaki ang pag-ibig. Si Satanas ay lumayo na taglay hindi lamang ang bukol sa ulo kundi nakahiga pa sa stretcher. Hindi siya nagwagi.
Sasabihin ko sa inyo ngayon din dahil kung kayo ay puno ng pag-ibig ng Panginoon dahil sa inyong pagsisisi at pagsusunod, ako ang modelo niyo diyan, huwag matakot sa anumang bagay. Ang pag-ibig ay humihigit pa sa hangganan ng kadiliman, ng impiyerno, ni Satanas na si Lucifer ang demonyo.
Pagkatapos nito, si Job ay pinagpala ng doble pa sa nawala sa kanya.
Ang aking bagong eroplano ay darating. Ito ay isang G-650. Sino ang nagnanais sa luma? Ang Ama ay kayang magdala sa akin ng isang milyong dolyar sa harap ko ngayon din. Wala lang ‘yan sa Kanya. Gagamitin ko lamang ang mga dolyar na iyon sa pagbili ng pagkain para sa mga nagugutom na mga bata. Pinapakain ko ang tatlong milyong bata. Wala lamang ‘yan sa akin.
Sinabi ni Satanas, “Hindi, hindi mo mapapakain ang bawat isa dahil aagawin ko ang lahat ng iyan. Hindi mo ba alam na ako ay isang magnanakaw? Ako ay dumating upang magnakaw, pumatay at magwasak.”
Ngunit sinabi ko sa kanya, “Ngunit ako ay dumating upang magbigay ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.”
Mga bata sa Children’s Joy Foundation, huwag umiyak dahil narito ako. Patuloy ko kayong pakakainin. Ang Panginoon ang siyang magsuplay ng ating bawat pangangailangan. Kahit na kinuha nila ang aking pera na pambili ko ng pagkain para sa mga bata, huwag mag-alala. Ang Panginoon ay magbigay higit pa niyan. Mag-uulan Siya ng mga pagpapala mula sa langit. Ang milagro ay siyang mag-iiral. Ang Rebolusyon ng Pag-ibig ay lalaganap sa mundong ito. Ito ay lalaganap sa buong mundo.
Dito sa Kingdom ministry, itong lipunan ng Kingdom citizens, ang Arabo at ang mga Hudyo ay magkapatid. Nagyayakapan sila sa bawat isa na may iisang espiritu. Walang relihiyon dito. Walang denominasyon. Walang bylaws na maghahati sa atin. Walang intriga. Mayroon tayong isang espiritu; ito ang espiritu ng pagsusunod sa Kalooban ng Dakilang Ama. Ito ang pag-ibig sa pagsunod na siyang nagkakaisa sa atin.
ANG 1,000-TAON NA PAGHARI NG AMA SA PAMAMAGITAN NG ANAK
Kayong mga may puso na walang pag-asa dahil sa anumang nangyayari sa mundo ngayon, makinig kayo. Ang Panginoong Hesus Kristo, ang aking Ama ay maghahari sa mundong ito ng 1, 000 taon. Ito ay nagsimula noong Abril 13, 2005.
Ang huling kaaway na lulupigin ay ang kamatayan. Kapag ang kamatayan ay malulupig na sa wakas, isa sa atin ay maluluwalhati. Ito ay magiging isang maluwalhating katawan.
Ang Juan 3:6-8 ay nagsasabi, “Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga. Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli. Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni’t hindi mo malalaman kung saan nanggagaling, at kung saan napaparoon: gayon ang bawa’t ipinanganak ng Espiritu.”
Alam ba ninyo kung sino ang una kong bibisitahin? Ito ay si Kim Jung-Un ng Korea at sasabihin ko sa kanya, “Wasakin ang lahat ng iyong mga nuclear weapons. Kapag hindi ka susunod sa akin, ikaw ay isang tao lamang, isang mortal, gagawin kitang baliw ngayong gabi.”
Kaya nga sa pamumuno ni Jesus Christ, sinabi Niya, “Lahat ng mga sandata ay matutunaw at ang mga ito ay magiging mga araro. Hindi na sila mag-aaral ng pakidigma.”
Kailan iyan mangyayari? Hindi ito mangyayari sa panahon ng pagpupulong ng United Nation sa New York. Ito ay mangyari kapag ang isang katawang naluwalhati ay mamumuno sa mga mortal. Walang makaliligtas nito dahil hindi ninyo mababaril ang isang imortal na katawan. Ang katawang imortal ay hindi namamatay. Hindi kailan man namamatay ang isang katawang imortal.
Ako ay itinalagang mamuno sa mundo. Makikita ninyo, magkakaroon ng pag-ibig sa buong mundo. Ang batas ay magiging simpleng batas ng espiritu kagaya ng “Ibigin ang Panginoon ng buo ninyong puso, ng buo ninyong pag-iisip, ng buo ninyong kaluluwa, ng buo ninyong espiritu, at mahalin ang inyong kapwa.
Kapag kayo ay inakusahan ng hindi pagmamahal sa inyong kapwa. Pupuntahan ko kayo sa inyong lugar at pagagalitan ko kayo at sabihin, “Huwag itong gawin. Mula ngayon, sumunod sa espirituwal na batas na pagmamahal sa kapwa.”
(ipagpatuloy)