Ang mga manggagawa ay naghihiwalay ng PET plastic para i-recycle sa pasilidad ng PetStar na pinondohan ng Coca-Cola Mexico at ng pitong regional bottling partners bilang world’s largest food-grade bottle-to-bottle PET plastic recycling plant.
Ni: Noli C. Liwanag
NGAYONG Setyembre ay buwan ng pagdiriwang sa buong mundo ang 2018 International Coastal Cleanup Day.
Ipinagdiriwang ang 33rd International Coastal Cleanup Day sa Sabado ng umaga, Setyembre 15 na may temang “Building a Clean Swell for Future Generations.”
Inilaan ang araw na ito upang linisin ang mga basura sa mga baybaying-dagat sa buong mundo, kabilang na ang mga lawa at ilog. Ito ay bilang pagpapaalala sa mga mamamayan na pangalagaan ang mga baybayin at yamang-dagat.
Mahalaga na ating pangalagaan at pagyamanin ang mga karagatan dahil isa ito sa pangunahing pinagkukunan natin ng pagkain. Maliban dito, mahalaga rin ang karagatan sa paglikha ng oxygen at tahanan ito ng humigit-kumulang sa 97 porsiyento ng mga yamang-dagat at mga organismo na napakahalaga sa ating ecosystem.
Subalit, nagpapakita ito na hindi sapat ang kaalaman ng mga tao na ang mga baybayin ay hindi basurahan.
SA nakarang 32nd International Coastal Cleanup day na may temang “Together for our Ocean”, naging “ICC Host Town” ang bayan ng San Narciso, sa lalawigan ng Zambales, upang pangunahan ang paglilinis sa dalampasigan.
20-M BASURA NALINIS
UMABOT sa 800,000 volunteers sa buong mundo ang nagkaisa upang matanggal ang mahigit 20 milyong piraso ng basura noong 2017 International Coastal Cleanup.
“Nearly 800,000 volunteers in 107 countries came together and removed more than 20 million pieces of trash from beaches and waterways. That’s 20 million fewer potential impacts on birds, whales, turtles and other marine wildlife. We picked up 9,285,600 kilograms of trash over 30,472 kilometers of coastlines, rivers and underwater areas,” ayon sa Ocean Conservancy’s 2018 International Coastal Cleanup Report na inilibas noong Hunyo.
SA 32nd International Coastal Cleanup Day na may temang “Together for our Ocean” noong September 16, 2017, malaki ang naiambag ng Pilipinas sa pagkolekta ng basura kung saan umabot sa 216,244 Filipinos ang namulot ng mahigit 400,000 pieces ng basura sa mahigit 1,105 kilometers na beaches at waterways.
Ang mga nakuhang items ay tumimbang ng 227,000 kilograms o katumbas ng 151 average cars.
Ang paglilinis ay pinangasiwaan ng ICC Philippines at Philippine Coast Guard Auxiliary bilang national coordinators ng cleanup sa pakikisa sa mga institutional partners na ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Tourism (DOT).
METRO MANILA, KARATIG LALAWIGAN NILINIS
PINAALALAHANAN ng mga health officials ang publiko sa panganib ng paglusong sa baha dahil sa sakit na leptospirosis na maaaring makuha sa ihi ng daga at mikrobyo mula sa maruming tubig baha.
Subalit ang tunay na problema sa Metro Manila ay ang basura at ang dumi sa mga imburnal na dumadaloy hindi lamang sa panahon ng malakas na pag-ulan kundi sa buong taon sa pamamagitan ng maraming daluyan ng tubig na dumidiretso sa ilog Pasig at papunta sa Manila Bay.
Matatandaang naglabas ng desisyon ang Korte Suprema noong 2008 na nag-uutos sa 13 ahensiya ng pamahalaan, sa pangunguna ng DENR, “to clean up, rehabilitate and preserve Manila Bay.”
Binigyan ng korte ng kanya-kanyang tungkulin ang 13 ahensiya. Kasama rito ang DILG na inutusang makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan na malapit sa Manila Bay—mula Bataan, Pampanga, Bulacan, hanggang Metro Manila at Cavite—para ihinto ang pagtatambak ng basura at mga dumi ng mga pabrika sa mga sapa at ilog na dumadaloy sa Ilog Pasig at iba pang mga ilog papunta sa Manila Bay.
Nagsimula na ang tag-ulan sa bansa at ang mga sapa at makikipot na kalsada sa mga lugar ng iskuwater ay lubos na maapektuhan ng pagbaha saan mang bahagi ng Metro Manila.
Ang mahalaga, panahon na para sa pagbuo ng isang komprehensibong plano para linisin ang Manila Bay. Sampung taon na ang nakalipas mula nang ilabas ng Korte Suprema ang desisyon at ang kautusan nito ngunit tila walang nangyayari tungkol dito.
MANILA BAY CLEANUP NG COK
UMABOT sa 7,000 miyembro ng Youth for United World, global organization na produkto ng matagumpay na Focolare Movement sa Italy noong 1943, ang nagkaisa at nagsagawa ng programa para labanan ang lumalalang polusyon.
Nakiisa ang Coca-Cola Philippines sa layuning ng naturang youth-riented organization.
“The youth of today are the future stewards of the planet, and it is a great opportunity to be partnering with them in sharing our vision of a more sustainable world. We hope that through partnerships like these, Coca-Cola becomes an ally of the youth as we contribute in finding better solutions to the various concerns of the communities and the environment,” sabi ni Samantha Sanchez, Coca-Cola Philippines public affairs and communications manager.
Ang kahabaan ng Cavite-Laguna Expressway ay ilan lamang sa nalalabing wildlife reserves sa Metro Manila. Kilala bilang Las Piñas-Paranaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA), ang naturang lugar ay planong ayusin at alagaan upang maging permanenteng wildlife sanctuary at mangrove forest.
Bukod dito, inilunsad ng Coca-Cola Company ang World Without Waste program na naglalayong malinang ang kaisipan ng mamamayan sa buong mundo hinggil sa problema ng walang tigil na pagtatapon ng basura sa karagatan, Ilog at mga estero.
Kaya, nagtakda ang kumpanya ng softdrink ng layuning maidisenyo ang packaging lifecycle ng botelya at lata upang makatulong sa pagkolekta at pag-recycle ng bote at softdrinks can.