Ni: Jun Samson
DUMEPENSA at itinanggi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na ang Bureau of Customs umano ang dahilan ng pagka-antala sa pagproseso at pag-release sa mga inaangkat na bigas ng gobyerno. Ito ang reaksyon ni Lapeña sa isyung ito tungkol sa mga rice shipments sa mga pantalan na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan sa bansa.
Kaugnay nito’y iginiit ni Lapeña na sa katunayan ay inatasan na niya ang lahat ng mga district port collectors na madaliin ang pagproseso sa mga pangunahing pagkain gaya ng bigas, asukal at karne.
“Knowing the importance and urgency to release these shipments, I have sent a letter request to the Department of Agriculture and the National Food Authority (NFA) dated September 10 to expedite the release of the import permits since it cannot be released on our end without such permit,” paliwanag niya.
Gayunman, aminado si Lapeña na may mga pagkakataon na hindi talaga maiiwasan dahil minsan ay nagkakaproblema sa proseso ng pag-release sa kargamento dahil sa kawalan ng import permit mula sa NFA. “If only NFA permits were submitted to the bureau before the arrival of these shipments, then an efficient and faster Customs clearance process can be put in place,” dagdag ni Lapeña.
Ipinaliwanag ng commissioner na bago pa man dumating ang rice shipment ay dapat naiproseso na ang NFA permit, pero karamihan umano sa mga importers ay kumukuha lang ng import permit sa NFA kapag dumating na sa bansa ang shipment