ANG mani ay isa sa mga pagkaing nagtataglay ng magandang benepisyo sa ating kalusugan.
Ni: Crysalie Ann Montalbo
ISA ang mani sa mga pagkaing nagbibigay ng malaking benepisyo sa ating katawan. Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa, ito’y mayaman sa bitamina B at E, at mineral tulad ng iron, zinc, potassium, magnesium at iba pa na siyang kailangan sa ating pang-araw-araw na buhay.
Subalit paano nga ba kapag nasobrahan sa pagkain nito? Narito ang ilang mga maaaring mangyari kapag ikaw ay naparami sa pagkain ng mani.
- Pagdagdag ng timbang. Ang mani ay nababalutan ng fats at ito ay katumbas ng mataas na calories kung kaya’t ito ay nagbibigay ng karagdagang timbang sa iyong katawan.
- High blood. Madalas ay inihahain ang mani na may halong asin. Nakakadagdag man ito sa panlasa, ito ay maaari ring magdulot ng high blood kaya iminumungkahi ang pagbawas nito.
- Problema sa digestion. Ang sobrang pagkonsumo ng mani ay delikado at malaki ang posibilidad na magkapagbigay ito ng suliranin sa iyong digestion tulad ng pagkakaroon ng diarrhea.
Lahat ng sobra ay masama ika nga. Sa kabila ng mga benepisyong naidudulot ng mani, kailangan lagi pa ring tatandaan ang mga limitasyon upang hindi masobrahan sa pagkain nito.