Ni: Crisalie Ann Montalbo
SINUBUKAN mo na halos lahat ng iba’t-ibang uri ng produkto na makakapag-alis ng iyong tigyawat ngunit tila wala pa ring lunas na natatagpuan. Bakit nga ba hindi naaalis ang mga tigyawat sa iyong mukha?
Kailangang mas palawakin ang iyong kaalaman sa kung ano nga ba sanhi ng pimple/acne sa mukha.
Isa sa mga dahilan ay ang hormonal imbalance. Hindi lang dapat basta-basta umaasa sa mga produkto sapagkat wala ring bisa ang mga ito kung hindi isinasaalang-alang ang mga hormone sa ating katawan.
Hindi rin epektibo ang mga produkto para sa balat kung ikaw ay laging stressed, puyat at pagod. Nagdadala ito ng matinding oiliness sa balat na napupunan ng mga bacteria.
Bukod pa rito, hindi inirerekomenda ang pagtiris o pagputok ng maliliit man o malalaking tigyawat dahil mataas ang posibilidad na mas dadami ito.
Gayundin ang paghawak ng mukha matapos gumamit ng cellphone. Lagi dapat inaalala na ang ating mga cellphone ay nakakapitan rin ng dumi. Ugaliing gumamit ng alcohol sa kamay bago hawakan ang iyong mukha.
Isa pa, masarap ang kumain ngunit laging alalahanin na nagiging sanhi ng patuloy na pagtubo ng tigyawat ang mga produktong nahahaluan ng dairy.
At huli, hindi naman masama gumamit ng makapal na make-up subalit hindi rin makakatulong ang araw-araw na paggamit nito. Hindi nakakahinga ang ating balat sa mukha kaya’t mas mainam na gamitin ang ang mga produktong natural.