KANILANG itinapon si Joseph sa loob ng balon. Ngunit nang iwanan na ng mga kapatid na lalaki si Joseph doon, nagsalita ang isa at nagsabi, “Hindi, iyan din ay napakabrutal. Ibenta nalang natin siya.” Kaya nang dumaan ang mga Midianite trader patungong Ehipto, kanilang binenta si Joseph at ikinuwento nila sa kanilang ama na siya ay napatay ng isang mabangis na hayop.
Unang trahedya ay ang kanyang mga kapatid na nainggit sa kanya. Ikalawa, kanila siyang iniwaksi sa pamamagitan ng pagbenta sa kanya kay Potiphar, isang milyonaryong negosyante patungong Ehipto. Si Joseph ay nahiwalay sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang pinakamamahal na ama. Ang ginawa ng kanyang mga kapatid ay isang pagpili. Kaya lahat ng bagay ay naglalaro sa ating malayang pagpili, kung ito man ay mabuti o masama. Si Joseph ay dumating sa bahay ni Potiphar.
Ngunit dahil ang kamay ng Ama ay nasa kay Joseph, ang bahay ni Potiphar ay pinagpala dahil sa relasyon ni Joseph sa Panginoon. Siya ay ginawang pinuno ng mga utusan sa bahay ni Potiphar. Kapalit nito, siya ay pinagkakatiwalaan ng kanyang milyonaryong negosyanteng amo.
Ngunit may isa na namang trahedyang nangyari. Nagustuhan ni Ginang Potiphar si Joseph, dahil siya ay magandang lalaki at bata, ang kamunduhan sa laman ay kumilos sa kanya. Dumating ang isang araw nang hindi na mapigilan ni Ginang Potiphar ang kanyang sarili, siya ay tumungo kay Joseph at nagsabi, “Sumiping ka sa akin Joseph, makipagtalik ka sa akin.” Sinabi ni Joseph, “Hindi ko ‘yan magagawa. Una, pinagkatiwalaan ako ni boss. At pangalawa, takot ako sa Panginoon. Hindi ko ‘yan magagawa.”
Naisnab ang diskarte ni Ginang Potiphar kay Joseph, at napahiya ang babae. Ang pagmamaliit na natanggap ng babae ay parang isang nasugatang tigre. Kaya nag-imbento ng kuwento si Ginang Potiphar. Kanyang pinunit ang kanyang damit at nang dumating ang kanyang asawa ay sinabi niya, “Tingnan mo! Pinagkatiwalaan mo si Joseph sa lahat ng bagay dito sa bahay. Ngunit hindi pa siya nasisiyahan diyan. Nais niyang angkinin ako. Nais niya akong gahasain. Tingnan mo ang aking damit.”
Dahil sa sobrang galit, hindi nagdadalawang isip si Potiphar na arestuhin si Joseph at ilagay siya sa kulungan. Isa na namang trahedya.
Minsan ay nagtataka tayo kung bakit nangyayari ang masasamang bagay sa mga mabubuting tao na kagaya ni Joseph. Siya ay inosente. Wala siyang ginawa. Siya ay ibinenta. Siya ay nahiwalay sa kanyang pamilya. Ang malayang pagpili ng kanyang mga kapatid ay masama. Gumawa ng pagpili ang asawang babae ni Potiphar at ang kanyang napili ay naisnab. Si Joseph ay gumawa ng pagpili na sumunod sa Kalooban ng Ama kahit anuman ang mangyari at dahil sa pagpili na ‘yan, siya ay napunta sa kulungan. At hindi niya ito kasalanan. Siya ay ginawang makasalanan. Kung may mga dyaryo sa panahon ni Potiphar at telebisyon at radyo, maaaring nasa punong balita na si Joseph. “Joseph, katulong ni Potiphar, tinangkang gahasain si Ginang Potiphar; siya ay inaresto at ibinilanggo. Napakasama niyang tao!”
Gumawa ako ng pagpili na sumunod sa Kalooban ng Ama at ako ay inakusahan ng napakaraming bagay dahil dito, kahit ngayon. Ngunit tingnan kung saan ako ngayon at tingnan kung saan ako bilang Kanyang Anak. Marami sa aking mga taga-akusa ay tumahimik na ng walang hanggan. Sila ay namatay. Marami sa mga tao na gumawa ng isang bagay, gamit ang kanilang malayang pagpili, na sirain ako ay wala na dito. Sila ay namatay na. Hindi sila naniniwala na ang aking mga sinasabi ay totoo. Ito ay katotohanan.
Nang si Joseph ay itinapon sa kulungan, para itong isang trahedya. Ngunit ito rin ang simula ng kanyang pag-angat. Nabasa ninyo ang hinggil sa mayordomo at panadero. Sila ay may panaginip at isinalin ni Joseph ang kanilang panaginip. Sinabi niya sa panadero, “Ikaw ay mamamatay.” Sa mayordomo ay sinabi niya, “Ikaw ay maililigtas at makababalik sa bahay ng Hari. Ngunit kapag magkatotoo nga ang panaginip, huwag mo akong kalimutan.” At ito nga ay nangyari, namatay ang panadero at ang mayordomo ay nakabalik, ngunit nakalimutan niya si Joseph.
Pagkatapos ay nanaginip ang Pharaoh at hindi niya ito maunawaan. Dito naalala ng mayordomo si Joseph. “Ah, siya ang tagapagsalin ng mga panaginip.” Kaya sinabi niya sa Pharaoh, “May nakilala akong lalaki na nakakulong na kasama ko na makakapagsalin ng mga panaginip. Sa katunayan, isinalin niya ang aking panaginip at ngayon ay narito ako bilang katuparan ng panaginip na iyon. Baka maaari niyan maisalin ang inyong panaginip.”
Kanilang tinawag si Joseph at kanyang isinalin ito ng may kahusayan, ang pitong mabubuting baka, ang pitong payat na baka, ay ang pitong taon ng kasaganaan at ang pitong taon ng kagutuman. At sobrang namangha ang Pharaoh kay Joseph at kanyang sinabi, “Gagawin kitang pangalawang tagapag-utos ng aking kaharian. Gawin ang dapat mong kailangan na gawin upang maiwasan itong kagutuman.”
Pakana itong lahat ng Dakilang Ama. Kapag nagdesisyon kayong sumunod sa Kanyang Kalooban gamit ang inyong malayang pagpili, maaaring mapunta kayo sa kulungan at maakusahan ng maling negatibong mga bagay dahil may maraming mga Ginang Potiphar sa mundong ito ngayon.
Kaya makinig sa akin at sumunod sa aking payo. Kapag kayo ay gumawa ng pagpili, palaging gawin ang pagpili sa pagsunod sa Kalooban ng Ama. Sa bawat pagkakataon na bibisitahin kayo ng apoy, sa bawat pagsubok na nangyayari sa inyong buhay, bawat pag-uusig, laging piliin ang pagsunod sa Kalooban ng Ama. Hindi kayo magkakamali. Sa pagtatapos ng araw, kayo ay magiging matagumpay at panalo.
WAKAS