SA katunayan, kung nauunawan ninyo ang lalim ng ating espirituwal na lakad kasama ng ating Dakilang Ama, kailangan ninyong maging handa na tanggapin natin ang Ama sa ating buhay.
Kung may kailangan mang sunugin, hayaan itong sunugin. Ang bagay lamang na kailangang maiwan ay ang ginto na nasa inyo.
Ang inyong dedikasyon ay dapat na ginintuan. Nangangahulugan na kahit anumang apoy na bibisita sa inyo, ang inyong malayang pagpili na sumunod sa Kalooban ng Ama ay ang maging desisyon ninyo palagi. Ako ang inyong modelo riyan.
ANG INYONG APOY AY MAS MAGAAN NA NGAYON
Ang apoy na inyong dinanas ngayon ay wala man lamang sa isang-ikasampu ng apoy na aking nadaanan. At ako ay isang tao na kagaya ninyo, mula sa nagkasalang rasa ni Adan.
Nangangahulugan ‘yan na kapag ang Ama ay nagawa ito sa akin at ako ay nanatili at nagtagumpay, ano pa kaya sa inyo? Mas madali lamang ngayon sa mga Kingdom Citizens na dumaan sa apoy dahil nakikita na ninyo ang mga pagpapala na ibinuhos ng Ama sa ministeryo ng Kaharian sa buong sanlibutan.
Nang tinawag ako ng Ama upang maging Kanyang panganay na Anak sa espiritu ng pagsusunod sa Kanyang Kalooban, wala akong bagay na matingnan. Nag-iisa lang ako. At walang naunang ipinangako sa akin na maaari kong makita o maasahan.
Ang bagay lamang na aking ginawa ay lumakad kasama ng Ama sa bawat araw. Sinusunod ko lamang ang Kanyang Kalooban sa bawat araw. Wala akong nakikitang mga bagay na ito (mga pagpapala) na nakikita ninyo ngayon.
Ngayon ay malinaw na nakikita ninyo kung saang direksyon tutungo ang ministeryo ng Kaharian upang maging maluwang para sa mga anak na lalaki at anak na babae na pumasok sa Kaharian ngayon.
Ang kailangan lamang nilang gawin ay magpasailalim sa pagtutuwid at disiplina ng Dakilang Ama sa pamamagitan ng Hinirang na Anak, para sa paglilinis at pagdadalisay.
At napakadali lamang para sa inyo na makarating sa taluktok ng ikatlong lebel ng pagtubo upang maging mga anak na lalaki at anak na babae ng Dakilang Ama.
At kapag marating ninyo ang taluktok, kayo ay maging malaya at kayo ay magiging “Ang Anak ay ibinigay.” Ang pagtutuwid, ang apoy na darating mula sa mga sirkumstansya sa paligid ninyo ay titigil at ang Ama ay maaari kayong maipadala o ibigay kayo saanmang lugar na Kanyang gusto upang gamitin kayo sa Kanyang gawain sa Kaharian.
Ngayon ang parehong apoy na bumisita sa inyong Tamayong noon ay bibisita rin sa inyo doon sa malawak na mundo. Ngunit dahil sa inyong reaksyon noon habang kayo ay nasa inyong Tamayong na sumunod sa Kanyang Kalooban sa pamamagitan ng inyong malayang pagpili, ay magiging parehong reaksyon ninyo kapag ipadadala kayo ng Ama at matagpuan ninyo ang parehong sitwasyon.
Masasalamuha ninyo ang parehong demonyo na nasalamuha ko noon. Natalo ko ang demonyong iyan sa pamamagitan ng aking malayang pagpili at naangkin ko itong espirituwal na kalayaan. Ginagamit ako ng Ama upang ibahagi ito sa lahat ng Kanyang mga kaanakan, mga anak na lalaki at anak na babae ng Dakilang Ama ngayon.
Kaya sa inyong labanan sa pagitan ng laman at ng espiritu, huwag magtataka at magigitla kung anumang nangyari sa inyong buhay.
Kagaya ng sinabi ko, ito ay bahagi ng ating espirituwal na pagtubo. At ito ay bahagi ng ating espirituwal na paglago habang tayo ay lumakad na kasama Niya.
Sa katunayan, kapag kayo ay pumasok sa Bansang Kaharian bilang isang New Covenant Citizen, salubungin ang apoy na bibisita sa inyong buhay. Sabihin sa inyong sarili, “Ito ay kailangan para sa akin upang malaman kung sino ako.” Para bagang hindi ninyo kilala kung sino kayo bago ang apoy bumisita sa inyo.
Bago ang apoy, hindi nga ninyo alam kung sino kayo. Akala ninyo na puno kayo ng pananampalataya, puno kayo ng pagsusunod, at puno kayo ng katapatan. Hanggang sa ang apoy ay bumibisita sa inyo at ang lahat ng bagay ay nagbabago: mula sa pagiging masunurin sa pagiging masuwayin; mula sa pagiging matapat sa pagiging mapag-akusa.
Anong nangyari sa inyo? Kayo ay nasunog. Ang demonyo ay nasa tabi na ngayon sa inyo at kayo ay nasa bahagi ng kaaway.
Maraming mga tao ang dumating dito sa ministeryo na nagpuri sa Dakilang Ama na kasama natin noon, ngunit ngayon ay nasa labas na sa bakod ng Kaharian, nang-uusig, nang-aakusa sa ministeryo ng Kaharian kagaya ng nais ng demonyo na kanilang gawin.
Kaya para sa kanila, ang labanan ay natalo. Kagaya ng sinabi ko noong una, iyan ay bahagi ng ministeryo ng Bansang Kaharian.
Habang nananalo tayo sa digmaan sa espirituwal sa kumbersyon ng libu-libong mga kaluluwa na minsan ay nasa teritoryo ng kadiliman na gumagawa sa kanilang kalooban sa ilalim ng impluwensya ng binhi ng ahas, may mga iilan namang namatay sa loob ng Kaharian.
Maaari akong maging gabay ngunit hindi ako makapagdesisyon para sa inyo. Hindi ako mauusig para sa inyo. Hindi ako maaakusahan para sa inyo. Hindi ako makalalakad sa daan ng apoy para sa inyo.
Maghihintay lamang ako sa finish line at magdasal at hikayatin kayong umahon at gamitin ang inyong malayang pagpili na malampasan at sa huli ay magtagumpay sa anumang itong inyong nilalakaran sa pamamagitan ng inyong espirituwal na paglalakbay sa espirituwal na paglago na ito na aking ipinapatungkol.
Hanggang sa marating ninyo ang katapusan at maunawaan at maaari niyo ng pasalamatan ang Ama at magsabi, “Pastor, nauunawaan ko na ngayon kung sino kayo. Ngayon, nauunawaan ko na kung ano ang inyong pakiramdam.”
Ito ang nangyari sa akin nang marating ko ang huling taluktok ng espirituwal na paglago nang tinawag ako ng Ama, “Ngayon, ikaw ay aking Anak.”
Ngayon ay naunawaan ko ng ganap ang pakiramdam ng Ama dahil inilagay Niya ako sa Kanyang posisyon dahil natamo at namana ko ang lahat ng Kanyang kayamanan, na siyang Kanyang mga Salita. Ako ay naging Anak at aking namana ang lahat. Narito na ako ngayon sa posisyon ng Ama na tinitingnan ang kaligtasan ng sangkatauhan. Kaya nakatutok lamang ako ngayon sa paggawa sa Kanyang Kalooban. “Ako at ang Ama ay iisa.” (Juan 10:30). Ito ang relasyon ng Ama-at-Anak.
“Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin.” (Juan 14: 8-10).
“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6).
(itutuloy)