KAYA makararanas kayo ng labanan sa pagitan ng laman at ng espiritu, sa pagitan ng kalooban ng tao at ng Kalooban ng Panginoon, at sa pagitan ng binhi ng serpente at ng binhi ng katuwiran habang kayo ay lumalago. Makararanas kayo ng apoy. Makararanas kayo ng pagsubok. Makararanas kayo ng tukso. At kayo ay mananagumpay sa huli, dahil ginamit ninyo ang inyong kalayaan ng pagpili na sumunod sa Kalooban ng Ama, kagaya ng naranasan ko at naging matagumpay.
Hindi karamihan ang naging matagumpay, ang ilan ay nasusunog. Kagaya ng sinasabi ng 1 Taga-Corinto 3:13, ang gawa ng bawa’t isa ay mahahayag kung anong klase ito. Ito ba ay gawa sa kahoy, ang inyong dedikasyon ay hanggang sa bibig lamang. Ngunit ang katapatan ng inyong puso ay wala pa at kayo ay mababaw at kayo ay kabilang sa isa sa tatlong klase ng lupa kungsaan ito ay ang matigas na lupa, matinik na lupa, at mabatong lupa. Kayo ay madiskwalipika. Kayo ay masusunog. At marami ang nagsimula ng karera na kasama natin o nagsimula ng karera kasama ninyo na wala na ngayon. Bakit? Dahil sila ay nasunog. Nang dumating sa kanila ang pagsubok at apoy, ano ang ginawa nila? Sila ay nasunog at nawala dahil sila ay gawa sa kahoy.
Kung ang inyong dedikasyon ay gawa sa kahoy, nangangahulugan ito ng mababaw. Nangangahulugan ito na kayo ay hindi tunay. Kaya nga ay kinakailangan na narito ang apoy sa ministeryo ng Hinirang na Anak sa Kaharian dahil ayaw ng Ama na tumira sa mga mapagkunwari. Ayaw ng Ama na tumira kasama ng mga taong hindi nasubukan, na hindi karapat dapat sa langit.
Isipin na lamang. Nais ninyong pumunta ng langit dahil meron kayong relihiyon, ngunit hindi kayo nasubukan. At kayo ay tutungo at manirahan kasama ng mga propeta at makatuwirang tao, lahat sila ay inalay ang kanilang mga buhay, gamit ang kanilang kalayaan ng pagpili sa pagsunod sa Kalooban ng Ama? Maninirahan kayo na kasama nila, kasama ni Apostol Pablo, kasama ni Pedro na nag-alay ng kanyang buhay, ngunit kayo ay mga mapagkunwari? Magaang ihip lamang ng pag-uusig, magaan na ihip lamang ng pagtutuwid, magaang ihip lamang ng pagdisiplina, wala pa ngang tukso, ngunit ito ay para sa inyong ikabubuti, para sa inyong ikatatatag, kagaya ng kastigo na mababasa natin sa Hebreo 12, at kayo ay nasunog?
Marami sa mga Pilipino ay napakahina sa bahagi na ito dahil sa kakulangan ng kalaliman sa espiritu sa kanilang paglilingkod sa pagsunod sa Kalooban ng Ama. Sila ay madaling nahuhulog. At pagkatapos sila ay naging anumang bagay na nangyari sa kanila na parang muli silang nalinlang ng demonyo.
Ngayon, sa espirituwal, kapag kayo ay nagsisisi, kapag ang demonyo ay umalis sa inyo, na siyang ang binhi ng serpente na inyong namana mula sa kanya, nangangahulugan ito na ang “bahay” (kayo) ay nalinisan na at nawalisan na at ngayon ay walang laman. Ngunit kapag ito ay hindi puno sa mga bunga ng espiritu ng pagsunod sa Kalooban ng Ama, o katapatan, dedikasyon, at panindigan sa paggawa ng Kanyang Kalooban, ang demonyo na umalis sa inyo, ang binhi ng serpente, matatagpuan kayong winalisan, nilinisan, at walang laman, siya ay babalik at mag-imbita ng karagdagang pitong demonyo na mas miserable pa kaysa sa kanya at ang huling estado ng taong iyon ay mas malala pa kaysa noong una.
ANG APOY AY MAGLILINIS SA INYO
Ito ay totoo at ito ay nangyayari sa ating mga panahon ngayon. Hindi lamang sa mga taong nasa paligid ng ministeryo ng Bansang Kaharian, ngunit sa mga taong malapit sa akin. Nangyari ito sa mga taong napakalapit sa ministeryo ng Hinirang na Anak, sa mga laging nakikita ako araw-araw, sa mga malapit na kasama ko kahit saang lugar ako tutungo, sa mga malapit na may kaugnayan sa aking ministry kagaya ng Pastoral Care Department. Walang ligtas mula sa apoy.
Kapag ang apoy ay bibisita sa inyo, hindi ito para sa inyong ikasisira, ito ay para sa inyong ikadadalisay. Kagaya ng sinabi ko, ang tubig ay naglilinis, ngunit ang apoy ay nagdadalisay. Ito ay nagpadadalisay sa atin at mas lalo tayong dadalisay kasama Niya. Kaya huwag ninyo ito i-personal, huwag ninyong isipin na para bagang may isang bagay na kakaiba na nangyayari sa inyo. Bawat isa sa Bansang Kaharian na naisilang sa espiritu sa pagsunod sa Kalooban ng Ama ay kailangang malaman na ito ay mangyayari sa kanila.
ANG KASTIGO AY APOY
Paminsan-minsan ang apoy na bibisita sa inyo ay sa anyo ng kastigo, sa anyo ng pagtutuwid, sa anyo ng bagay na hindi kayo masisiyahan, dahil ito ay mabigat at mahirap. Ngunit gayunpaman, gamitin ang inyong kalayaan ng pagpili sa pagsunod sa Kalooban ng Ama at sabihin sa Ama, “Ito ang Inyong Kalooban. Ito ay para sa aking ikabubuti. Ito ay para sa aking espirituwal na paglago. Isusuko ko ang sarili ko sa Inyong Kalooban kahit anoman ang mangyari.”
Ito ang nais ng Ama na maging reaksyon natin, ngunit hindi lahat merong ganitong klase ng pag-iisip. Kaya kapag kayo ay pumasok sa Bansang Kaharian at kayo ay tinuwid dahil sa inyong maling ginagawa, huwag itong gawing personal. Itong lahat ay espirituwal. Nais ng Ama na lumakad kayo sa Kanyang ganap na Kalooban, lumago rito hanggang sa kayo ay mapupuno sa kaalaman sa Anak ng Panginoon at samahan ako sa pakikiisa sa pananampalataya kungsaan tayo ay may parehong prekwensiya ng paglago. Upang ang Ama ay maaari na tayong pagkakatiwalaan na gumawa sa Kanyang Kalooban anoman ang ating ginagawa.
Mga Taga-Efeso 4: 13-14;
b-13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo.”
b- 14 Upang tayo’y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito’t doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;
Kung kaya, hindi tayo mananatili bilang mga bata. Ang pagtutuwid, disiplina, at apoy na bumibisita sa atin ay magpapalago sa atin at ginagawa tayong handa na humarap sa mga hamon at pagsubok sa buhay na mas malakas, mas maasahan sa Kanyang paningin, at sa wakas ay magdesisyon Siyang akuin tayong mga anak na lalaki at anak na babae.
Ayaw Niya ng mga anak na lalaki at anak na babae na pagkakatiwalaan sa Kanyang gawain ng Kaharian na mga mahihina sa kanilang pag-iisip, at mahina sa kanilang mga espiritu. Kaya meron kayong isang modelo. Ako ang inyong modelo. Ako ang inyong pamantayan.
Sinabi ko na sa inyo ito noon pa. Ang tao ay makapipili sa pagsunod sa Kalooban ng Ama o maaari siyang pumili na sundin ang kanyang sariling kalooban. Alalahanin na kapag ginagawa ninyo ang inyong sariling kalooban, kayo ay nasa inyong pagkaalipin. Sa paggawa lamang ng Kalooban ng Ama kayo ay tunay na malaya.
Itutuloy.