Maging ligtas sa mga maidudulot ng paninigarilyo sa katawan sa pamamagitan ng hindi pagyoyosi
Ni: Eugene Flores
HINDI biro ang pagkakaroon ng kanser, maging anong uri man ito. Isa sa nangungunang kanser sa mga babae ay ang breast cancer. Ayun sa pag-aaral na isinagawa noong 2017, tatlo sa 100 Pilipina ang nagkakaroon ng breast cancer. Bagama’t maari rin itong mangyari sa mga kalalakihan, ang tyansa ng pagkakaroon nito ay ‘di hamak na mas mataas para sa mga babae.
Sadyang nakababahala ang pagkakaroon ng breast cancer kung kaya’t narito ang ilang paraan upang maiwasan at mabawasan ang posibilidad na magkaroon nito.
Una na rito ay ang pagkontrol sa pag-inom ng alak. Mas maraming alak sa iyong katawan, mas malapit ito sa pagkakaroon ng breast cancer. Maaari ito umanong bawasan sa isang baso ng alak lamang kada-araw.
Kinakailangan din ang pagkontrol sa timbang lalo na sa mga nagme-menopause sapagkat dito karaniwang nagkakaroon ng pagtaas ng timbang ang mga kababaihan.
Maraming masamang epekto at walang dulot na tulong sa katawan ang paninigarilyo kung kaya’t mariin itong pinagbabawal sapagkat samo’t saring sakit ang maaring makuha rito bukod sa breast cancer.
Ang pagpapasuso ay nakakatulong naman upang mabawasan ang tyansa ng kanser sapagkat mas nabibigay nito ng proteksyon ang dede lalo’t na kapag madalas itong gawin.
At ang huli, upang mas humaba ang buhay at maiwasan ang iba pang sakit, nirerekomenda na maging malusog ang pisikal na pangangatawan sa pamamagitan ng pag-i-ehersiyo.
Sundin lamang ang mga ito ay matitiyak ang mas matibay na proteksyon sa iba pang sakit lalo na ang breast cancer.