Pinas News
ISUSULONG ni dating PCOO Undersecretary Mocha Uson ang mga kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers bilang plataporma sa halalan sa 2019.
Bagamat hindi sigurado kung anong posisyon ang tatakbuhan, sinabi ni Uson na dapat bigyan ng karagdagag pansin ang mga Pinoy sa abroad.
Na aniya ay itinuturing na mga bagong bayani.
Pinuna ng sikat na blogger ang kakulangan sa programa ng pamahalaan para sa mga nagbabalik sa bansa.
Partikular na ang mga naabuso o naloko ng kanilang mga employer.
Ani Mocha, makakasigurado naman siya na bubuhos ang suporta ng mga supporters ni Pangulong Duterte.
Sapagkat isa din ito sa mga programang kasalukuyang isinusulong ng pangulo.
Kaugnay nito ay nilinaw naman ni Mocha na sya ay tatakbo bilang independent.
Hindi aniya papalitan ang kontrobersyal na congressman na si John Bertiz bilang kinatawan ng ACTS-OFW Partylist.
Magugunitang naging usap-usapan ang pagpalit ni Mocha kay Bertiz.
Kasunod ito ng pagkakasangkot ng mambabatas sa kontrobersiya at ang huli nga dito ay sa NAIA terminal.