Mabisang pang-kontra sa konstipasyon ang barley
Ni: Eugene B. Flores
Likas sa atin ang pagiging malakas sa hapag-kainan, malapit sa atin ang mga pagkain, literal man o hindi.
Dahil sa mga katakam-takam na mga putahe, minsan ay hindi na tayo natutunawan kung saan nagreresulta ito sa konstipasyon.
Isang mainam na panggamot sa konstipasyon ay ang pagkain ng barley.
Ang barley ay isang cereal grain na karaniwang matatagpuan sa mga tinapay at inumin.
Nagtataglay ng fiber ang barley na nakatutulong upang maiwasan ang konstipasyon at pagpapanatili ng masiglang pangtunaw.
Isa lamang ito sa maraming mabuting dulot sa ating katawan, ang ilan sa mga ito ay ang kalusugan ng ating mga buto sapagkat sagana rin ito sa iron, calcium, phosphorus atbp.
Ang barley ay isa rin sa nagpapa-normal ng blood pressure sa ating katawan sa taglay naman nitong potassium at magnesium.
Ang pagsama ng barley sa araw araw na diyeta ay tiyak na magpapanatili nang maayos na pangangatawan.