Ni: Maynard Delfin
MULING nasungkit ng Pilipinas sa katauhan ni Sharifa Areef Mohammad Omar Akeel ang ikalimang korona matapos ang 25 taon noong 1993 sa selebrasyon ng 50th Miss Asia Pacific International 2018 pageant. Ito ay itinatag noong 1968 at unang tinawag na ‘Miss Asia Pacific Quest.’
Si Akeel ang kauna-unahang Muslim-Filipina beauty queen na kumatawan sa Pilipinas sa naturang patimpalak sa kagandahan na nagwagi mula sa 49 delegadang naglaban-laban. Ginanap ang Miss Asia Pacific International 2018 sa New Performing Arts Theater, Resorts World Manila, Pasay City noong October 4,2018.
Ang nanalong pambato ng bansa na si Akeel ay 21 gulang lamang at isang guro mula sa Lebak, Sultan Kudarat. Siya ay half-Qatari at half-Filipino na galing sa Mindanao. Sa kanya ipinasa ang korona ni 2017 Miss Asia Pacific International winner na si Fracielly Ouriques ng Brazil.
Runners-up ng pageant
Itinganghal na 1st runner up si Gabriela Palma ng Brazil, Melania
Maikling panahon lamang ang paghahanda ni Akeel para s
Si Sharifa Areef Mohammad Omar Akeel ang ika-limang Pilipina na kinoronahan sa Miss Asia Pacific International 2018. Sinundan niya si Michelle Aldana na naiuwi ang korona noong 1993.
Special awards sa kumpetisyon
Bukod sa pagbibigay karangalang sa pag-uwi ng titulo sa Pilipinas, nakakuha rin si Akeel ng iba pang parangal gaya ng “Best in Long Gown” award, pangalawang pwesto sa Swimsuit Competition, at pangatlong pagkilala sa pinakamagandang disenyo sa National Costume mula sa mga naunang special awards na binigay.
Panlimang Pilipina nag-uwi ng korona
Panlima si Akeel sa mga Pilipina na nakasungkit ng titulo ng Miss Asia Pacific International. Nariyan sina Carines Zaragoza (1982), Gloria ‘Bong’ Dimayacyac (1983), Lorna Legaspi (1989), at Michelle Aldana (1993).
Sina Joey Mead, Marc Nelson at Rovilson Fernandez ang
Winning question and answer
Ang huling top 5 na kandidata ay binigyan ng pagkakakataong sumagot sa parehong tanong sa loob ng 30 segundo. Ang iba ay gumamit ng interpreter gaya ni Miss Brazil at Venezuela. Ang iba naman ay sumagot sa wikang Ingles.
“What do you think is the biggest issue of diversity that the world is facing today and how do you think you can play a part to resolve it?” ang binasang tanong ni Mead.
“Ano sa palagay mo ang pinakamalaking isyu ng pagkakaiba-iba na kinakaharap ng mundo ngayon at ano sa palagay mo ang maiaambag mo sa paglutas nito?”
Angsagot ng Pinay beauty queen:
“One of the biggest issues in our country is cyberbullying.
“We have to accept the fact that all of us were born with strengths and weaknesses and with that, we have our own imperfections.
“Let’s appreciate one’s uniqueness and relevance and, as a millennial, I believe the millennial policy of compassion, idealism, striving for uniqueness and authenticity because you are a beautiful creation of God no matter who you are and wherever you are in the world.
“Beauty is indeed diverse and it is visible to all of us.”
“Isa sa pinakamalaking isyu sa ating bansa ay ang cyberbullying.
“Kailangan nating tanggapin ang katotohanan na lahat tayo ay ipinanganak na may kanya-kanyang lakas at kahinaan at di tayo mga perpekto.
“Dapat nating pahalagahan ang uniqueness and bawat isa at relevancet, bilang isang milenyo, naniniwala ako na ang milenyo na patakaran ng pakikiramay, idealismo, nagsusumikap para sa pagiging natatanging likha ng Diyos maging sino ka at saan ka man sa mundo.
“Ang kagandahan ay malawak at nakikita ito sa ating lahat.”
Pagbatikos kay Akeel
Dahil sa Muslim si Akeel, di lahat ay masaya sa pagsali niya sa beauty pageant. Nakatanggap din siya ng bashing mula sa mga kapwa Muslim.
Hindi karaniwan sa mga babaeng Muslim ang sumasali sa mga pageant ng kagandahan sa anumang panig ng mundo at mas nakakagulat kung ang mananalo pa ay isang Muslim.
Kaugaliang Muslim
Maraming mga Pilipino na nagpahayag ng suporta sa tagumpay na natamo ng Muslim beauty queen sa Mindanao. Subalit may iilan din na kapwa Muslim na di sang-ayon sa kanyang pagsali sa pageant.
May sinusunod na dress code ang mga Muslim. Nakasuot madalas ang mga babaeng Muslim ng hijab o belo sa paligid ng kanilang leeg na tinatakpan pati ulo. Nagpapakita sila ng kahinhinan sa pananamit.
Subalit sa beauty pageant si Akeel ay kailangang magsuot ng swimsuit na nagpapakita ng kanyang balat. Isa ito sa parte ng pageant sa lahat ng mga kandidata. Dahil dito, ang Muslim beauty queen ay nakatangggap ng iba’t bang bashing o pagbatikos.
Mataas na hangarin
Ayon kay Akeel matapos manalo sa Mutya ng Ang Pilipinas 2018, sa kanyang pagsali maipapamalas niya ang kagandahan, katalinuhan, at mga katangian ng isang babaeng Muslim.
Nais din niyang patunayan na ang Islam ay isang relihiyon ng kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano.