SMNI News
KAHIT malayo pa ang Disyembre ay tila maaga ang pasko sa Barangay Novaliches Proper sa Quezon City.
Dahil sa pagbisita ng The Palawan Variety Show sa kanilang lugar.
Tuwa at kasiyahan ang dala ng Pambansang Roadshow kung saan buong araw nitong inaliw ang ating mga kababayan sa ibat-ibang gimmick.
Kung saan napaindak ang ilan sa sayawan, napamangha sa makapigil hiningang stunts at napa isip-isip sa crowd favorite na pera o bayong.
Hindi rin napigilan ang tilian para sa mga iniidolong artista.
Ngunit mas uminit ang venue pagdating sa singing showdown.
Sampung contestants mula sa ibat-ibang lugar sa Quezon City ang nagpasiklaban ng kanilang galing sa pag-awit.
Dala ng bawat isa ang tibay ng loob at determinasyon na masungkit ang pinakamataas na pwesto na may cash prize na P10, 000.
Bago matapos ang tanghalan ay patuloy pa rin na namahagi ang Pambansang Roadshow ng papremyo.
Tila maagang pamasko ang nararanasan sa lahat ng mga dumalo.
Ang tuwa at saya na dala ng The Palawan Variety Show ay handog ng Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala.
Ang naturang aktibidad ay para sa lahat ng kanilang mga suki na patuloy tumatangkilik sa kanilang mura, mabilis, at walang kuskos balungos na serbisyo.