Ni: Maynard Delfin
MARIING tinututulan ng libu-libong commuter sa Metro Manila ang agarang pagpapatupad ng pagtaas ng pamasahe sa mga jeep at bus na orihinal na itinakda sa unang linggo ng Nobyembre.
Dahil dito, inaasahang maaantala ang dagdag singil sa pasahe habang dinidinig ang kanilang apela.
Nagsumite ang ilang commuter ng isang motion for reconsideration upang mapatigil ang pagpapatupad ng bagong naaprubahang pasahe sa mga jeepney at mga bus sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.
Bagong pasanin sa mga mahihirap
Ayon sa isang petisyon na isinumite kamakailan ng dalawang concerned citizen na sina Arlis Acao at Rodolfo Javellana ng United Filipino Consumers and Commuters, malaking epekto ang pagtaas ng pasahe sa mga mahihirap.
Nakasaad sa kanilang petisyon na maigting nilang pinagdarasal, tinututulan, at ninanais na pigilan o huwag nang ipatupad ang pagtaas na ito para sa kapakanan ng mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.
Di napapanahong pagtaas ng pasahe
Isinaad nila na nakakakuha na ng magandang kita ang mga operator ng mga jeepney at bus higit sa minimum na sahod na P512 sa Metro Manila.
Binigyang diin ng nagpetisyon na di makatarungan sa milyon-
Kamakailan inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P2 na dagdag-singil sa minimum fare ng jeepney sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon. Kasabay nito ang P1 taas-pasahe para sa minimum fare ng bus sa Metro Manila.
Panandaliang pagpapatigil
Dahil sa mosyon na inihain, nangangahulugan ito na maaantala ang pagpapatupad ng pagtaas ng pasahe na orihinal na itinakda sa Nobyembre 5.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, isang hearing ang idadaos para pagdesisyunan ang petisyon.
Para kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, na may negatibong opinyon tungkol sa pagtaas pasahe sa jeep, siya ay nababahala sa pagtaas ng “mas mataas kaysa sa inaasahan” ng singil sa transportasyon na maaaring magdulot ng paglobo ng inflation sa mga darating na buwan batay sa mga data ng ilang economic managers.
Sumampa na ang inflation rate ng bansa sa average na 6.2 porsyento sa ikatlong bahagi ng 2018. Ito ay mas mataas kaysa sa binagong forecast ng 2018 na 4.8 hanggang 5.2 porsyento.
Aprubado ng LTFRB
Sa isang order na pinalabas ng LTFRB noong Oktubre 18, sinang-ayunan ng ahensya ang petisyon ng mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan noong Setyembre 2017 na humihingi ng dalawang pisong dagdag singil sa minimum na pamasahe —na magiging P10 —bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ang LTFRB order na ito ay magiging epektibo pagkatapos ng 15 araw makaraan ang paglathala nito sa mga pahayagan. Una nang ipinag-utos ng LTFRB noong Hulyo ang pansamantalang pagtaas ang minimum fare sa P9.
Ang tatlong miyembro ng regulatory board ay pumirma at sumang-ayon sa order; si Lizada, na may kasalungat na opinyon sa karamihan ang di pumirma.
Binasurang kahilingan ng mga drayber
Una nang hiniling ng mga jeepney driver sa LTFRB ang P2 dagdag pasahe para sa susunod na kilometro subalit tinanggihan ito ng board dahil sa “lack of factual and reasonable basis.”
Inaprubahan din ng LTFRB kamakailan ang P1 dagdag sa minimum na pamasahe ng bus sa Metro Manila bilang pagsang-ayon sa petisyon noong Pebrero 2018 ng mga bus operator ng SOLUBOA, PBOAP, at Stop, Inc.
Sa unang limang kilometro, ang pasahe sa mga bus na ordinaryo at air conditioned ay magiging P11 mula sa dating P10; wala nang pagtaas sa mga susunod na kilometro.
Maging ang mga provincial buses ay walang pagtaas pasahe sa minimum fare maliban sa P0.15 na dagdag sa mga susunod na kilometro. Dahil dito, magkaroon ng kabuuang P1.55 pagtaas kada kilometro mula sa orihinal na P1.40. Inaasahan din sana na ipatutupad ito sa Nobyembre 5.
Pagtaas ng presyo ng gastusin sa transportasyon
Di pa man tumataas ang pamasahe, walong porsyento na ang dagdag gastos sa transportasyon bunsod ng pabago-bagong presyo ng gasolina, diesel at iba pang mga produktong petrolyo. Ang mga ito ang tatlong pinakamabilis na tumaas sa consumer price index, kasunod sa mga inuming nakalalasing at tabako, pagkain, at di-alkohol na inumin.
Pinaniniwalaang ang pagpapatupad ng dagdag pasahe na inaprubahan ng LTFRB ay hindi lamang magtataas ng gastos sa pagsakay sa jeep at bus kundi magreresulta pa sa paglubha ng inflation na may direktang epekto sa presyo ng mga bilihin.
Bagaman ang transportasyon ay maliit na bahagi lamang sa consumer price basket, makakaapekto ito sa mga presyo ng pinamiling tingi o retail price ng mga pagkain at iba pang mga kalakal na kailangang gamitan ng transportasyon.
Ang sakop sa naaprubahang probisyonal na rate sa LTFRB order ay mga bus sa Metro Manila at mga lalawigan, kasama na rin ang mga jeepney sa NCR, Region 3 at Region 4.