MALUSOG NA PANGANGATAWAN. Pinapanatili ng ating katawan na balanse ang kanyang sarili upang maging malusog tayo
Ni: Joyce P. Condat
Ang homeostasis ay tumutukoy sa kabuuang balanse ng ating katawan. Ito ay tungkol sa kung paano binabalanse ng ating katawan ang kanyang sarili. Mahalagang malaman natin kung ano ang homeostasis, ang kahalagahan nito dahil nakasalalay dito ang malaking bahagi ng ating kalusugan.
Tungkulin ng homeostasis na balansehin ang ating body temperature. Ito ang dahilan kung bakit tayo nagpapawis tuwing tag-init. Kapag nararamdaman ng ating katawan ang mainit na panahon, naglalabas ang ating sweat glands ng pawis dahil sa cooling effect na nabibigay nito kapag nag-eevaporate na ito sa hangin. Ito ang reaksyon ng ating katawan upang hindi tayo magka-heat stroke.
(MALUSOG NA PANGANGATAWAN. Pinapanatili ng ating katawan na balanse ang kanyang sarili upang maging malusog tayo)
Nagtataka ka ba kung bakit tayo nanginginig kapag giniginaw tayo at malamig ang panahon? Ito kasi ang reaksyon ng ating katawan upang tayo ay mainitan. Nagkikiskisan ang mga muscles sa ating katawan resulta upang mapainit nito ang mga tissues na nakapaligid dito. Ito ang ginagawa ng ating katawan upang hindi tayo magka-hypothermia.
(PAGPAPAWIS. Naglalabas ng pawis ang ating katawan dahil sa iniiwan nitong cooling effect)
Isa pang mahalagang tungkulin ng homeostasis ang pagbalanse ng tubig sa ating katawan. Ang sobrang tubig sa ating katawan ay nilalabas natin sa pamamagitan ng pagdumi, pag-ihi, at pagpawis.
(PANGINGINIG. Nagkikiskisan ang ating muscles dahilan upang tayo ay manginig.)
Ang pagkakaroon ng sakit ay dahilan ng hindi balanseng homeostasis.
Sa kabilang banda, malaki rin ang responsibilidad natin upang mapanatili itong balanse. Madalas tayong makakita ng mga bodybuilders na umiinom ng protein shake. Mahalagang kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina at carbohydrates pagkatapos mag-ehersisyo upang mabawi ang mga nasirang muscles sa ating katawan. Malaki ang ginagampanan ng protina upang maayos ang mga nasirang muscles. Ang carbohydrates naman ang tumutulong upang manumbalik ang iyong lakas. Kung puro ehersisyo lamang ang iyong gagawin, maaaring matagal makumpuni ang mga nasirang maliliit na muscles.
Nakakamangha ang trabaho ng ating katawan upang mapanatili nitong balanse ang kanyang sarili.
Sumasalamin din ito sa malusog na pangangatawan at positibong pananaw sa buhay. Ugaliin ang balanced diet upang magkaroon ng healthy lifestyle.