Ni: Maureen Simbajon
SA panahon ngayon ng makabagong teknolohiya, ang social media ay mahalagang katulong sa pagpapakilala at pagpapalago ng negosyo.
Isa sa mga pinakasikat na social media sa kasalukuyan ay ang Facebook na mayroong mahigit na dalawang bilyong aktibong gumagamit base sa istatistika noong Hunyo 2017.
Mapa-personal o propesyonal, ang social media channel na ito ay may malawak na hanay ng demograpiko na tumatambay dito ilang oras kada isang linggo.
Gayunpaman marami sa mga negosyo na ito ang nagtatanong kung gumagana nga ba ang mga Facebook ads at kung papaano?
Ang Facebook ads ang karaniwang pinakamura at pinakamadaling paraan ng online advertising, subalit upang magtagumpay, kinakailangang maging matalas sa iba’t-ibang paraan ng paggamit nito.
Kapag ginamit nang maayos, ang social media ay lubos na magiging kapaki-pakinabang sa pagtayo at pagpapatibay ng anumang negosyo.
Narito ang ilan sa mga paraan upang gawing mas epektibo ang paggamit ng social media sa pagnenegosyo:
larawan: Piliin ang akmang layunin na nais ipabatid.
Gumawa ng bahagyang magkaibang bersyon ng iyong Facebook ad upang malaman kung alin ang makakakuha ng pinakamaraming tugon o reaksyon.
-
Tiyakin ang layunin ng iyong negosyo
Magsimula sa pagpapasya kung ano ang ninanais na matamo ng iyong negosyo sa pamamagitan ng pag advertise nito. Sinusubukan mo bang itulak ang isang partikular na produkto? Mapadami ang pupunta sa iyong aktwal na tindahan o sa iyong online store kaya? Gusto mo ba ng higit pang mga maraming tagasunod, magtitiwala sa iyong negosyo, at makipag-ugnayan sa mas marami? Higit pang maraming benta?
Ang pagtiyak sa layunin ng iyong paggamit ng mga anunsyo o advertisement ay makakatulong sa pagbuo ng mga posts sa FB na maghahatid ng mga ninanais na mga resulta.
Anuman ang iyong layunin, ang Facebook ay kayang isaayos ang iyong mga ads ng naaayon dito.
Ang unang pahina na iyong makikita sa pagsi-set up ng isang Facebook ad ay katulad ng nasa unang larawan.
Ito ang mga iba’t ibang layunin na maaaring piliin. Kung mas maraming tao ang gusto mong mag-click sa iyong website, magpatakbo ng isang click-bait campaign. Gayundin, kung gusto mo ng mas maraming benta, magpaandar ng isang conversion campaign (mula sa unang tingin sa iyong account hanggang sa pag desisyon na bumili ng iyong inaalok).
Ang pagkakaroon ng isang layunin sa isip at ang pag-focus dito ay makakatulong na masegurong magtatagumpay ang iyong mga ads.
Ang Facebook ad ng Warby Parker ay may malinaw na target audience.
-
Alamin ang iyong inaasintang populasyon
Likas na magkaiba ang mga bagay na aakit sa kabataan kumpara sa mas may edad na. Gayundin sa ibang mga bagay katulad ng lokasyon, kasarian at iba pa.
Magpasya kung sino ang iyong tinatarget na populasyon o grupo bago pa man idisenyo ang iyong mga ads sapagkat maaapektuhan nito ang imahe at ang paraan kung paano ka gumawa ng mga kopya.
Paano kung hindi ka sigurado kung sino ang iyong tinatarget na madla? May iba’t ibang option sa FB na maaari mong pagpilian bago ka pa man magsimula.
Ang pinakapangunahing mga pagpipilian ay ang: 1] Lahat sa Facebook (at maaari mong paliitin mula doon) 2] mga taong nakakonekta sa iyong pahina, 3] o isang pasadya o customized na madla.
Ang Audience Insight ay mainam na paraaan upang mas paliitin pa ang target audience mo. Ito ay nagbibigay ng iba’t ibang sukatan, kabilang na rito ang distribusyon ng edad at kasarian ng iyong kasalukuyang mga tagasunod, pamumuhay, katayuan ng relasyon, antas ng edukasyon, pamagat ng trabaho, at iba pa.
Kung hindi pa karamihan ang iyong mga tagasunod o listahan ng kustomer na nasa isip, maaari mong simulan ang pagkuha ng madla sa pamamagitan ng pagpili ng kategoryang “Lahat sa Facebook.” Tapos, maaari mong paliitin ito sa pamamagitan ng pagtakda ng anumang partikular na parametro na gusto mo.
Halimbawa, maaaring gusto mo lamang mag-advertise sa mga tao sa Pilipinas o sa mga taong dalawampu ang edad o mas matanda.
Sa sandaling naka-set na ang mga ito, maaari mo nang simulan ang pag-usisa ng data mula sa Audience Insight. Maaari ka ring maghanap ng mga impormasyon tungkol sa mga tagasunod ng iyong mga kakumpitensya. Ito ay magbibigay sa iyo ng isang mahusay na panimula upang bumuo ng iyong sariling madla.
Bukod pa rito, maaari ring gumamit ng tinatawag na A/B split testing batay sa resulta ng iyong Audience Insight. Ito ay ang paggawa ng bahagyang magkakaibang bersyon ng iyong ad upang malaman kung ano ang gumagana, kung ano ang pinaka-epektibo at kung ano ang hindi.
Gamitin ang iyong kaalaman tungkol sa inaasintang demograpiko ng madla upang makalikha ng makabuluhan at pinaka-direktang mga ads.
Gumamit ng mga mukha o larawan ng tao upang mas makaakit ng atensyon.
-
Gumamit ng mga kaakit-akit na imahe
Ang biswal na advertisement o anunsyo ay hindi lamang itinuturing na mas makabubuti sa negosyo; ito ay mas may higit na pagkakataong maibabahagi at maaalala kaysa sa kung ito ay kadalasang nakasulat.
Ang isang potensyal na kustomer ay maaaring laktawan lamang ang iyong ad nang hindi ito binabasa kung hindi ito naakit sa iyong ginawa o ipinaskil. Upang pigilan ang pagkawala ng mga mahahalagang mamimili, kailangan pumili ng malinis at mataas na kalidad na mga imahe. Siguraduhin na ang imahe ay naglalaman ng mas mababa sa 20 porsyento na teksto, dahil kung hindi lilimitahan din ng Facebook ang iyong ad sa mas kakaun-ting mga tao.
Maaari ring piliin na gumamit ng isang video, sapagkat mas marami itong maihahatid na impormasyon kumpara sa iisang imahe lamang. Dagdag pa rito, sa tampok na autoplay ng Facebook, maaaring matigil ng panandalian ang pag-scroll down ng isang potensyal na kustomer. Siguraduhin lamang na ang iyong video ay hindi umaasa sa tunog, sapagkat 85 porsyento ng mga video sa Facebook ay tumatakbo nang naka-mute.
Mapa-imahe man o video, ang pinaka-matagumpay na mga ads sa Facebook ay may maliwanag, malinaw na mga kulay at nagtataglay ng mga mukha ng tao. Katulad ng patalastas sa telebisyon, ang pagpapakita ng mga tao na gumagamit ng iyong mga produkto o kumakain ng iyong itinitinda ay mas epektibo sa paghikayat ng mga mamimili.
Gamitin at pakinabangan ang nagagawa ng social media, partikular na ang Facebook, upang mas maging matagumpay ang iyong negosyo, dahil sa panahon ngayon, pawang lahat ng tao ay nasa Facebook na, mapa-estudyante man o CEO ng isang korporasyon. Malaki ang posibilidad na ang iyong hinahanap na perpektong madla ay nasa Facebook lamang —namamalagi at naghihintay, lurking in the sidelines, eka nga, ng kung anumang produkto o serbisyo ang i-aalay mo.