HINDI kumuha ang Ama ng kahit sino upang kahaliling ina ni Moises. Natagpuan Niya ang prinsesa, at dinala ng prinsesa si Moises sa bahay ng taong nag-atas na patayin ang lahat ng mga batang lalaking Israelita mula dalawang taon pababa.
Dinala ng Dakilang Ama si Moises sa bahay ng taong nag-atas ng kanyang kamatayan. At ngayon ay kanya itong inaruga at binigyan ng buhay. Napakadakila ng Panginoon di ba? Makapangyarihan ang Panginoon di ba? Siya ay dakila at makapangyarihan. Kaya dapat tayo ay tumiwala sa Kanya, kahit anuman ang inyong sirkumstansya, kahit saan man kayo matagpuan, kahit saan man kayong lugar.
Kapag kayo ay may pananampalataya, maaari niyang baguhin ang inyong sumpa ng mga pagpapala, maaari Niyang baguhin ang inyong pagkatalo ng katagumpayan.
WALANG KAPANGYARIHANG HIHIGIT PA SA KAPANGYARIHAN NG AMA
Natagpuan ni Moises ang kanyang sarili sa palasyo ng Paraon na nag-atas ng kanyang kamatayan. Ngayon ay pinapakain na siya ng Paraon, hinahalikan, ginawa bilang kanyang lolo. Kagaya ito ng kabiguan sa kapangyarihan ng tao sa pangalan ng Paraon, dahil walang kapangyarihan na mas hihigit pa sa kapangyarihan ng Dakilang Ama. Lumaki si Moises sa ilalim ng pagtuturo ng prinsesa at ng kanyang lolo, ang Paraon. Lumaki siya sa ilalim ng pagtuturo ng Ehipto, ngunit ang kanyang mga tagapag-alaga, ang kanyang ina at kanyang kapatid na babae, ay hindi kinalimutan ang pagturo sa kanya tungkol sa tamang doktrina na siyang doktrina ng Dakilang Ama na siyang nagtuturo sa kanya na meron lamang Nag-iisang Panginoon.
Tiniyak ng ina ni Moises na makatanggap siya ng tamang pagtuturo. Sila ay nasa kalagitnaan ng Paganong bansa, ngunit si Moises ay lumaki na nakikilala ang Isang Tunay na Panginoon. Siya ay lumaki sa mga korte ng Ehipto sa 40-taon ngunit ang plano ng Panginoon ay nagpatuloy sa kanyang buhay. Hindi ito alam ni Moises. Walang kamalay-malay si Moises sa plano ng Dakilang Ama. Kahit ang kanyang mga magulang ay hindi ito nalalaman. Kahit ang Paraon ay hindi nakakaalam nito. Walang kapangyarihan na hihigit pa sa kapangyarihan ng Dakilang Ama. Alam Niya ang Kanyang ginagawa.
DAHILAN NG PAGTAWAG NG AMA KAY MOISES
Sa tamang panahon, nang si Moises ay nasa hustong gulang na, ang takdang panahon ay dumating para sa pagsisimula ng kanyang tawag. Ito ang pinakadahilan kung bakit tinawag si Moises. May pinakadahilan kung bakit siya ay isinilang. May pinakadahilan kung bakit ang mga sirkumstansya ay nangyayari sa kanyang buhay. Ang takdang panahon ay dumating na kailangan niyang tumakas sa Ehipto. Sa pamamagitan ng mga sirkumstansya, sinasabi ng Dakilang Ama kay Moises, panahon na upang umalis ka dito sa Ehipto, dahil ngayon ay mayroon kang makalangit na tawag na ihahayag sa iyo. Sapat nang narito ka ng 40 taon. Sapat na para mabigyan ka ng edukasyon sa 40 taon. Iyan ang isa sa mga plano.
Ngunit ngayon, ang makalangit na plano ng pagturo kay Moises ay dumating na sa takdang panahon. Kaya sumulpot ang problema. Aksidenteng napatay ni Moises, na ang puso ay tunay na isang Israelita, ang isang taong Ehipto na kanyang nakitang nilalatigo ang isang Israelita. Natakot si Moises na malaman ito ng Paraon at siya ay tumakas ng Ehipto na walang kadahilanan. Bakit siya natatakot sa Paraon? Ang Paraon ay ang kanyang lolo, ngunit ang sirkumstansya ay binago dahil kailangan ipagpatuloy ang plano ng Ama.
Marahil kung kayo’y si Moises, isaalang-alang ninyong manatili sa kaginhawaan ng palasyo ng Ehipto. Ngunit dahil nasa ilalim ng plano ng Ama si Moises na hindi niya nalalaman, kailangan niyang sundin ang plano sa sirkumstansya ng kanyang buhay kahit na wala siyang kamalay-malay rito. Ang problema ay lumitaw kungsaan kailangan niyang tumakas sa Ehipto at natagpuan niya ang kanyang sarili sa kalagitnaan ng ilang hanggang ang kanyang atensyon ay naakit sa isang nagliliyab na palumpong.
Lumakad siya papalapit at narinig niya ang isang boses, “Moises, hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong mga paa, sapagka’t ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa,” Exodus 3:5. Nakarinig siya ng boses at nang siya ay lumingon ay wala siyang nakikitang tao. Ang kanyang naririnig ay isang boses lamang, kaya lumakad siya ng malapit at iyan ang simula ng kanyang makalangit na pagsasanay sa Unibersidad sa Espiritu. Ilang taon nanatili si Moises sa kagubatan? Nanatili siya ng 40 taon. Karagdagang 40 taon na pagsasanay hindi sa ilalim ng tao, ngunit ito ay sa ilalim ng kapangyarihan ng Dakilang Ama.
Ibinigay kay Moises ang mga kapahayagan, mga bisyon, panaginip at naririnig na boses hanggang sa isang araw, matapos ang 40 taon, nalalaman niya na ang pagtawag ng Ama ay para sa kanya. Ngayon ay nalaman niya kung bakit siya ay isinilang. Nalaman niya kung bakit siya ay nasa pagtuturo sa ilalim ng bubong ng Paraon, bakit ang lahat ng mga sirkumstansyang ito ay dumating sa kanyang buhay ay dahil sa plano ng Dakilang Ama na ipinahayag sa kanya. Kapag ang Ama ay may plano ng kaligtasan ng anumang uri, Siya ay gumagawa ng paghahanda at Kanyang inihanda ang isang tao upang magiging Kanyang tagapagligtas.
ANG UNIBERSIDAD NG ESPIRITU NI MOISES
Wala pang nairekord na dumating mula sa langit na isang may edad na. Simula sa panahon ng Hudyo, walang rekord na isang tao na bumaba mula sa langit na may mala-anghel na katawan, at kaagad ay iniligtas ang sariling mamamayan. Hindi ganyan gumawa ang Dakilang Ama dahil sa kalahi na uri ng pagliligtas. Sa kalahi na uri ng pagliligtas, kailangang isilang ang isang tao na kagaya sa atin upang gamitin ng Ama na tagapagligtas ng kapwa niya tao. Kailangan niyang maisilang sa isang babae. Si Moises ay isinilang na isang ordinaryong tao na kagaya natin. Ngunit may tawag sa kanyang buhay. Kahit na hindi nawala sa kanya ang malayang pagpili, ang sirkumstansya ng kanyang buhay ay gumabay sa kanya papalapit sa makalangit na tawag hanggang sa matagpuan niya ang kanyang sarili sa kalagitnaan ng ilang at doon ay sinanay siya ng Dakilang Ama.
Meron lamang isang mag-aaral at isang guro. Natutunan ni Moses ang lahat ng bagay sa Unibersidad ng Espiritu, at sa takdang panahon, siya ay bumalik sa Ehipto na may isang mensahe, “Palayain ang aking mamamayan!” Bumalik si Moses sa Ehipto at hinarap nito ang Paraon. Ang unang Paraon na kanyang lolo ay namatay na at ibang paraon ito na may matigas na puso. “Sino ka upang sabihin sa akin na palayain ang mga Israelita?” Naging matigas ang puso ng Paraon, siya ay isang makapangyarihang tao. Naisip niya siguro, “Itong Moises na ito na naninirahan sa ilang, siya ay isang nomad at ngayon, sinasabihan niya ako na palayain ang Israelita. Hindi maaari!” Bumalik muli si Moises ng ilang beses, ngunit ayaw palayain ng Paraon ang mga Israelita. Nagsimulang bumuhos ang Sampung Salot.
(Itutuloy)