Ni: Kristine Joy Labadan
ILAN sa mga kababaihan ang maraming itinatagong lipstick sa kanilang beauty bag. ilan sa mga ito ang madalas nilang gamitin, habang ang iba nama’y hindi na nahahawakan. May mga dahilan ito. Maaaring nagustuhan mo ang mismong lipstick nang makita mo ito sa larawan ng isang modelo ngunit hindi naman ito bumagay sa’yo nang iyong subukan.
Isa sa pangunahing dahilan nito’y hindi bumabagay ang kulay ng lipstick sa iyong kutis.
Narito ang ilang epektibong mungkahi upang madiskubre ang THE ONE lipstick na aakma para sa’yo:
- Una, suriin mabuti kung saan nababagay ang iyong skin tone. May limang klase ng complexion: fair, light, medium, tan, at deep.
- Ang lipstick shades na kadalasang bumabagay sa mga mapuputla at mapuputi ay light pink, coral, peach, nude at mga pula.
- Rose, berry, cherry red ang mga lipstick shades naman ang magandang tingnan sa mga babaeng may medium skin tone.
- Para naman sa mga kayumanggi ang balat, babagay ang bright red at halos lahat ng lipstick shade maliban sa brown at purple.
- Ang pinakababagay naman sa mga may deep skin tone ay ang brown at purple shades tulad ng plum, caramel, at wine.
- Para sa ilan, kung nagagawa man ng isang lipstick na mas lalong patingkarin ang ganda ng isang babae at pataasin ang tiwala nito sa sarili, marapat lamang na alamin mabuti ang kanilang preference para sa ganoon alam kung ano ang ireregalo na tiyak na gagamitin nila at magpapasaya sa kanila.