Ugaliin na magfacial scrub, isang beses sa isang Linggo para maiwasan ang pimple breakout at para maalis ang blackheads.
FACIAL steam, ang pagbukas ng pores ang unang hakbang para sa mabisang paglilinis sa mukha.
Ni: Ana Paula A. Canua
KUNG nag-aalangan na gumamit ng pore strips at facial masks dahil sensitive ang inyong balat, maaring sundin ang mga natural na paraan para maalis ang black heads at manumbalik muli ang inyong malinis at makinis na kutis.
1. Mag-facial steam para bukasan ang pores. Isalin ang kumulong tubig sa isang malaking bowl, magtaklob ng tuwalya mula sa ulo hanggang balikat para hindi makawala ang steam. Magsimula sa facial steam. Tiyakin na nasa katamtamang layo sa init ang mukha at ipikit ang mga mata, itapat sa mukha ang steam sa loob ng lima hanggang sampung minuto. Pagkatapos, banlawan ang mukha ng maligamgam na tubig.
2. Magexfoliate gamit ang baking soda. Mahalaga ang mag facial scrub isang beses sa isang linggo dahil bukod sa black heads, napapantay din ang kulay ng ating kutis at naiiwasan ang pimple-breakout. Ihalo ang dalawang kutsara ng baking soda sa kaunting tubig hanggang sa maging paste ito. Ipahid ang mixture sa ilong na karaniwang may blackheads, tiyakin na laging pa-circular motion ang paglilinis ng mukha. Patuyuin muna ang mixture bago banlawan.
3. Pwede ring pang-exfoliate ang oatmeal scrub. Paghaluin ang dalawang kutsara ng oatmeal, tatlong kutsara ng plain yogurt at katas ng lemon o kalamansi hanggang sa maging paste ito. Ilagay ito sa mukha at hayaan ito ng sampung minuto hanggang sa matuyo bago banlawan ng maligamgam na tubig
4. Egg white mask. Ibukod ang puti ng itlog, ito ang gawing facial mask. Pagkatapos linisin at tuyuin ang mukha, ipahid ito. Kapag natuyo ang unang layer, maaring dagdagan pa muli ito ng pangalawa hanggang pangatlong layer. Kapag naramdaman na humihigpit na ang kapit ng mask sa balat ibig sabihin naalis din ang blackheads at dumi sa inyong pores. Pagtuyo na saka banlawan ng maligamgam na tubig ang inyong mukha. Agad na mararamdaman ang malambot at mas malinis na kutis, bukod pa riyan nawawala rin ang wrinkles sa inyong mukha dahil sa facial lift effect ng egg mask.