• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Protektahan ang perang inipon laban sa Bank account hacking

December 14, 2018 by Pinas News


PROTEKTAHAN ang iyong bank account laban sa mga hackers.

 

Ni: Ana Paula A. Canua

HALOS lahat sa atin ngayon ay gumagamit na ng Internet para magbayad ng bills, mag money transfer, magpa-reserve sa hotel o restaurant, at bumili ng tiket. Mas pinadadali ng online banking ang proseso sa pagbili at pag-iipon, kaya naman marami sa atin ang tinatangkilik ito.

Simple lamang, hindi na kailangang pumila at mag­present ng valid ID, tanging account information lamang ang kailangan upang ma-access ang lahat ng online transactions na ito sa credit, debit card payments o kahit sa money transfer.

Upang maprotektahan ang pera at ipon ng mga kliyente ng bawat banko, mayroong security encryption na sinusu­nod ang mga ito.

Ngunit gaano man kahigpit ang seguridad may paraan pa rin ang mga masasamang loob tulad ng mga sindikato para makuha at manlimas ng pera ng iba. Narito ang ilang uri ng bank account hacking at ilang online security measures na pwedeng gamitin para mai­iwasan ang mga ito.

PROSESO ng session hijacking.
  1. PHISHING. Ito ay paraan ng paghack ng password at login details gamit ang isang website. Ang phish websites ay pekeng mga websites na

karaniwang kinokopya ang mga orihinal na websites. Ngunit paano malalaman na nasa phish website ka pala? Ang tanging paraan lamang ay suriing mabuti kung tama ba ang address bar link o ang mismong pangalan ng URL.

Paano makakasigurado na nasa original kang URL? Maaring mag-install sa iyong computer o cellphone ng web security tool bar gaya ng AVG at Crawler Web security tool bars.

  1. TROJANS. Isang uri ng computer virus na maaring makakuha ng inyong impor­masyon. Maari kayong mabik­tima ng Trojans sa dalawang paraan —sa pamamagitan ng keyloggers at RATs o remote administration tools.

Ang keylogger ay paraan ng mga hackers para mamonitor nila ang galaw sa inyong key­board at ang lahat ng inyong pinipindot na letra, numero at simbolo. Samantala gamit naman ang RAT, kayang ko­monekta ng hacker sa inyong computer system na hindi ninyo nalalaman. Paano maka­kaiwas dito? Siguraduhin na laging updated ang inyong antivirus software. Maaari rin na mag-install ng keyscram­bler na iniiba-iba ang inyong keystrokes log.

Kapag nakapasok ang Tro­jans ang tanging paraan la­mang ay i-format ang system, ibig sabihin buburahin mo ang lahat ng records at data na nasa inyong computer o cellphone.

  1. SESSION HIJACKING. Ito ay paghack gamit ang wireless networks o ang mis­mong Internet.

May kakayahan ang mga hackers na kontrolin ang inyong internet data trans­fer. Naranasan niyo na ba na mapunta sa ibang website gayong gmail o facebook naman ang URL na inyong tina-type? Kung oo, agad na isara ang website at magdis­connect muna sa Internet. Maigi rin kung i-hide sa inyong Internet setting ang SSID o ang BSSID network, upang maiwasan na matrack ka ng hackers.

HUWAG basta-basta ibigay ang detalye ng iyong bank account sa mga ‘suspicious websites’.

 

Narito ang iba pang paraan upang maprotektahan ang inyong online bank accounts.

  1. Protektahan ang inyong password o PIN, tiyakin na walang makakakita sa tuwing magtatype kayo. Maari rin na mag-install ng password manager gaya ng Pro”Dashlane 4,” “LastPass 4.0 Premium,” “Sticky Password Premium,” at “LogMeOnce Ultimate,” upang mamonitor ang inyong login details at malaman kung kailan at kung may nagtangka ba na hulaan ang inyong passcode.

Ugaliin din ang pagpapalit ng passcode ilang beses kada taon.

  1. Huwag magbubukas ng email scams o spams, gaya halimbawa kung makatang­gap ka ng notification na na­hack ang inyong bank ac­count at kailangang iverify ang inyong impormasyon. Kapag nakatanggap nito hu­wag buksan ang link sa halip ay tumawag o pumunta sa bangko upang makasigurado sa seguridad ng account.
  2. Kung ichecheck ang ac­count huwag gumamit ng public Wifi. Magduda lalo na sa mga wifi na walang password.
  3. I-verify ang web address. Tiyakin na nasa orihinal na online banking system, icheck

ang URL kung ito ba ay tama. Isa sa mga tips upang mala­man na nasa original website ay “https” ang simula ng URL at hindi “http”, isang letra man ang pinagkaiba, malaking isyung seguridad naman ang nakasalalay.

  1. Maglagay ng passcode sa inyong phone o com­puter. Paano na lamang kung nanakaw o hindi kaya ay may nangialam ng inyong cellphone? Ang paglalagay ng code sa mismong telepono ay unang hakbang upang pangalagaan ang inyong seguridad.
  2. Madalas na icheck ang inyong account, maigi kung ilang beses sa isang linggo.
  3. Mag-logout sa account kapag tapos ng gamitin ito.
  4. Mag-install ng anti-virus at tiyakin na lagi itong updated.
  5. Huwag bumisita sa mga kahina-hinalang websites.
  6. Huwag magdownload ng kahina-hinalang files.

Maiigi rin na magkaroon ng multiple bank accounts sa iba’t ibang bangko. Kapag malaki na ang ipon, ihiwalay ito sa iba’t ibang bank ac­counts. Tandaan na mainit sa mata ng mga hackers ang malaking pera, maari na maging target ka kung alam nila na malaki ang kanilang makukuha.

Isaalang-lang din ang pag­kakaroon ng ibang paraan ng investments, hindi lamang sa pera, mag-invest din sa lupa, bumili ng ari-arian o hindi kaya ay mag-invest sa stocks.

Related posts:

  • Mobile Apps para sa visually-impaired at hirap makarinig
  • Laser weapons bilang armas pandigma
  • Capsule size robots, maaari ng makatulong sa surgery
  • Kauna-unahang hydropanel sa bansa, inilunsad
  • Madaliang pagpapagaling ng mga sugat gamit ang Smart Bandage

Slider Teknolohiya Ticker Ana Paula A. Canua PINAS Protektahan ang perang inipon laban sa Bank account hacking

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.