Ni: Jonnalyn Cortez
WALANG sama ng loob si Coco Martin sa hindi pagbanggit ng kanyang on-screen partner na siMaine Mendoza sa kanyang pangalan sa promo ng kanilang pelikula na Jack Em Popoy: The Puliscredibles sa GMA variety show na Sunday Pinasaya.
“Marami po kaming kasama diyan, Bossing Vic Sotto, and me myself and I at marami pa pong iba,” banggit ng dalaga.
“Sana po unahin niyo po yan sa mga sinehan.”
Sa isang post ng kolumnistang si Lolit Solis sa Instagram, sinabi nito na hindi siya naniniwalang ban ang pangalan ng aktor sa GMA kaya’t hindi ito binanggit ni Mendoza.
“Hindi naman siguro ganun ka-petty na ang co-star ni Bossing Vic Sotto sa filmfest movie niya hindi puwedeng banggitin ang pangalan,” anito sa isang mahabang post.
“Baka naman may moment lang si Maine Mendoza kaya nalimutan banggitin ang pangalan ni Coco nang mag-promote siya.”
Nag-iwan naman ng comment dito si Martin at sinabing walang problema sa kanya kung hindi man nabanggit ni Mendoza ang kanyang pangalan.
“Nay, okey lang po yon at naiintindihan ko po, sobrang taas ng respeto ko sa GMA dahil sila ang unang nagbukas sakin ng pintuan lalo na po si Sir Joey Abacan, napakabait po nila sakin kaya wala pong problema sakin yon at kahit kailan hindi ako magtatampo sa kanila,” pagsisiguro nito.”