Ni: Beth Gelena
MASWERTE si Maymay dahil mula nang maging grand winner siya sa Pinoy Big Brother Season 7, nagsunud-sunod ang mga project niya.
Aminado rin si Maymay na siya ay may pagka-kuripot. May dahilan kung bakit siya nag kukuripot. Marami siyang binubuhay na pamilya.
Aniya, “lagi raw niyang sinasabi sa mga kamag-anak na pawang necessity lang muna ang bibilhin nila. Saka na raw ‘yung mga gusto. Si Maymay narin kasi ang breadwinner sa napakalaki nilang pamilya.
Pinag-iipunan daw niya ang pagpapagawa ng bahay nila sa probinsiya. Siya rin ang nag papaaral sa kanyang mga pinsan.
Mas importante sa dalaga ang mag-save dahil pag dumating daw ang araw na may kailangan sila ay may magagamit. Ipinaliwanag naman daw niya sa pamilya na ‘pag nakaluwag-luwag na sila ay mabibili narin daw ang mga gusto. Sangayon ang mga kailangan muna ang dapat unahin.