Ni: Neil Nepomuceno
PINOST sa Instagram ng dating Los Angeles Lakers star na si Lamar Odom ang kanyang larawan habang nakasuot ng blue Mighty Sport Jersey na #7 bilang pag-anunsyo na siya ay maglalaro para sa Pilipinas sa susunod na taon ng Pebrero.
Ayon kay Odom magandang preparasyon umano ito para sa kanyang plano na sumali sa BIG3, isang 3-on-3 basketball competition sa Amerika.
“I’d like to announce that I will be playing in The Dubai International Basketball Championship this February 1st 2019!!!!!!! I will be representing team @mightysports_ph from the Philippines with my 4ever #7 ! To me this is a great warming up for the @thebig3 !!,” wika ni Odom sa kanyang post.
Kasunod nito, nananatili pa ring positibo si Odom na maibabalik niya pa rin ang dating lebel ng kanyang paglalaro.
“I was hoping to be ready for the Chinese CBA earlier this year but I didn’t feel that I was physically were I wanted to be. (yet) I needed more time to recover from my multiple strokes and heart attacks. Im not giving up and going in full force!! Patience and moving FORWARD is KEY!” dugtong pa ni Odom sa kanyang post.
Malugod namang pinasalamatan nito ang Mighty Sports head coach na si Charles Tiu sa pag ‘tap’ sa kanya upang maglaro sa ating kupunan.
Ang pagbabalik ni Odom ay siya ring pagbabalik niya sa professional league matapos ang kanyang paglalaro para sa New York Knicks noong 2014 at biglaang pagreretiro noong 2015 matapos siyang matagpuan na walang malay sa Nevada Brothel dahil sa Kidney Failure at Stroke.