MARAMING bulaang tagapagligtas sa mundong ito at isa sa mga ito ang komunismo. Ang komunismo sa sarili nitong doktrina ay walang kinikilalang Diyos. Dati na itong walang kinikilalang Diyos at lalo nila itong pinaigting sa pamamagitan ng kanilang mga kagagawan.
Tayo ang pinakamaka-Diyos na tao dito sa mundo, mga anak na lalaki at anak na babae. Hindi natin minomolestiya ang bawat isa. Hindi natin inaabala ang bawat isa. Hindi tayo nag-aaway away. Namumuhay tayo sa sarili nating adhikain na kahit tayo ay mga anak na lalaki at anak na babae ng Dakilang Ama, ginagawa natin ang ating gawain na may katapatan at katotohanan, na walang hinanakit at walang nang-aabala, nang-aaway o nang-aabuso sa iba. Ginagawa lamang natin ang ating mga gawain. Mahal natin ang sarili nating gawain. Mahal natin ang sarili nating karapatan. Kapag ginawa natin ang sarili nating trabaho, ninanais nating maprotektahan ang ating karapatan. Nagsasalita ako kagaya ng kapag may lupa kayo, iyan ang inyong karapatan. Protektahan ninyo ito.
MGA MAPAGKUNWARING TAGAPAGLIGTAS
Ngunit itong mga mapagkukunwari na nagsasabing, “Bibigyan namin kayo ng hustisya…” Pumunta sila sa ating lupa. Kanilang binugbog ang mga manggagawa at kanilang pinalayas. Kanilang hinabol sila ng itak. Kinatay ang dalawandaang aso at mahigit dalawandaang manok. Hindi ‘yan sa kanila. Hindi sila ang nagpakain niyan. Kanilang tinirhan ang mga bahay na hindi sa kanila. Lahat ng mga damit na hindi sa kanila ay kanilang isinuot at lahat ng ating tinanim ay kanilang inani. Kanila pa itong ibinenta sa Bankerohan. Napakasaya raw nila dahil nanalo sila. Ganyan ba ang klase ng hustisyang ipakain ninyo sa akin? Mga mapagkunwari. Ano ang tawag ko sa inyo? Bandido. Mga tulisan. Pagkatapos gumagamit pa kayo ng ideology ng komunista. Tapos ang sa inyo ay pagnanakaw, pangingikil. Palagi ninyong pasan-pasan ang baril sa kagubatan. Kapag makatagpo kayo ng walang kalaban-laban na tao tinututukan ninyo ng baril. Iyan ba ang hustisya ninyo?
Lalabanan ko kayo. Sasabihin ko, “Nakakahiya kayo!” bakit hindi kayo bumalik doon sa nakasanayan at magpakasipag sa pagtrabaho? Ang Ama ay magpapala sa inyo kapag masipag kayong magtatrabaho. Tutulungan ko pa kayo kung masipag kayong magtrabaho at hindi abusuhin ang mga tao. Tutulungan pa kayo ng ministeryong ito. Isantabi ang inyong kinalawang na baril. Huwag kayong manakot, huwag kayong kumatok sa mga bahay at pagkatapos takutin ninyo ang mga taong inyong hinihingan kapag hindi magbigay babarilin ninyo. Hindi magbibigay ng kaunlaran ang ganyang gawain. Sumuko kayo at mamuhay ng maayos na pamumuhay. Huwag ninyong molestiyahin ang ibang tao.
Humiga kayo sa daan. Isang araw humiga kayo sa daan kaya walang nakakadaan. Hindi nakasakay ang mga piloto sa kanilang eroplano. Dalawang eroplano ang hindi nakaalis at maraming mga pasahero na patungong Maynila ang hindi nakasakay dahil hindi makadaan. Marami kayong pinerwisyo. Gasgas na ‘yang kasabihang, “Lumad kami. Mga lumad kami!” Pero tingnan ninyo ang resulta ng inyong gawain pangmomolestiya, paninira. Itong mga Lumad ginamit din ng mga komunistang marunong. Ginagamit ninyo ang mga walang muwang na kagaya nila.
ANG MAAYOS NA PAGTURO SA MGA TAONG MANGMANG
Mayroon akong mga Lumad sa Tamayong, pareho sila ng mga Lumad na inyong ginagamit. Ano ang itinuro ko sa kanila? “Magtrabaho tayo. Bigyan ko kayo ng lugar. Huwag kayong mag-alala sa inyong bigas. Huwag kayong mag-alala sa inyong pagkain. Huwag kayong mag-alala sa inyong pag-aaral. Huwag kayong mag-alala sa inyong bahay. Huwag kayong mag-alala sa inyong lupa. Dito tayo, magkakaisa tayo rito. Tulungan ko kayo. Mag-aral kayo upang magkaroon kayo ng sariling edukasyon. Huwag kayong mag-alala sa babayarang matrikula wala ‘yang bayad. Nagpatayo ako ng paaralan diyan – ang Jose T. Quiboloy Sr. High School para makapag-aral kayo, para walang mang-aapi sa inyo dahil hindi na kayo mangmang. Tulungan ko kayo nang walang bayad.”
Ganyan ang gusto kong marinig sa inyo. Turuan nang maayos ang mga tao. Turuan ninyo silang magtrabaho. Imbes na turuan ninyo kung paano gumamit ng baril, magnakaw, mangikil. Tingnan ninyo itong Lumad na ginagamit ninyo doon sa Diolo. May isa pang opisyal sa karapatan, nandoon nangangasiwa sa ginawang krimen. May binaril kayo at nabuhay ito. Nakilala niya ang lahat ng bumaril sa kanya.
Makinig kayo sa akin. Tuturuan ko kayo sa mga daan sa katuwiran. Makinig kayo. Kung kayo ay tumuwid at matakot sa Panginoon, mas malaking pagpapala na matanggap ninyo sa mabuti kaysa sa masamang gawain. Palagi kayong nasa kagubatan, tumatakbo habang tinutugis kayo ng mga militar. Wala kayong ginawa kundi takbo nang takbo. Iyan ba ang buhay na gusto ninyo? Tapos sasabihin ninyo “Rebolusyon ang sa amin! Palitan natin ang gobyerno!” Wala pa nga kayo sa kapangyarihan, humiga na kayo sa kalsada. Dalawang eroplano ang hindi nakaalis dahil diyan. Maraming tao ang hindi nakarating sa patutunguhan dahil hindi nakasakay ng eroplano ng dahil diyan. Ganyan ba ang gusto ninyong ipakain sa mga tao? Isang pamolestiya ‘yan.
Idalangin natin sila na sana ay maliwanagan sila. May mga batas hinggil sa pagtalima. Tingnan ninyo kung sumuko kayo. Ang mga sundalo kapag nasugatan kayo ipapagamot pa kayo nila. Pagkatapos bigyan pa kayo ng livelihood kapag sumuko kayo.
(Itutuloy…)