BAKIT may digmaan sa loob ng bahay? Dahil kapwa ay mga panginoon, at ang digmaan ay tumitindi. Tingnan natin kung sino ang mas maliit at mas malaking panginoon.
Sa mga unang araw ng inyong kasal, mayroong kaguluhan at aberya, at away sa loob ng bahay dahil ang kapwa kapangyarihan ay magkatunggali, nagtatangkang maagaw ang kapangyarihan at otoridad sa bahay. Paano ‘yan? Sino ang masusunod dito? Sasabihin ng asawang babae, “Hindi sa iyo.” Sa una, sasabihin ng asawang lalaki, “Hindi ikaw, ako ang masusunod dito.” Sasabihin ng asawang babae, “Hindi, ang aking kagustuhan ang masusunod dito.” Kaya may digmaan. Maaaring aabot ng isang taon ang digmaan. Sino ang susuko?
ANG PAGTAKWIL NG TAO SA KALOOBAN NG AMA
Maraming beses, sa tahanan ng mga Pilipino, sasabihin ng asawang lalaki, “Susuko na ako, maging mapayapa lang tayo. Ang iyong kalooban na ang masusunod. Susuko ako sa iyo.” Kaya ang asawang babae na ang pinakamakapangyarihan sa tahanan. Kaya kapag makarinig kayo ng isang asawang lalaki na nagsasalita patungkol sa kanyang asawang babae, anumang mga desisyon, sasabihin niya, “Ipapaalam ko muna ito kay kumander. Itanong ko muna ito sa heneral.” Kaya mag-uusap itong mga lalaki na walang kapangyarihan at otoridad dahil ang mga asawang babae na ang panginoon ng tahanan. Minsan ang asawang lalaki ang magiging panginoon ng tahanan. Ang kanyang kalooban ang matutupad. Pagkatapos, ang kapangyarihan at otoridad ay mailagay sa sinumang makaagaw ng kapangyarihan at ang kanyang kalooban ay masusunod sa pamamahay.
Iyan ang sitwasyon ng lipunan. Saan ang tunay na Panginoon sa lahat ng ito, kung saan ang Kanyang Kalooban ang masusunod sa lahat ng Kanyang mga nilalang? Siya ay wala sa tahanan. Siya ay nasa labas ng pintuan. Siya ay nasa labas ng bahay. Hindi Siya tinanggap sa lipunan ng mga tao. Kaya nang Kanya akong tinawag, akala ko ay madali lamang ang maging isang Hinirang na Anak at magpagitna sa mga panginoon at mga hari sa kanilang mga sarili, sa bahay, sa lipunan, sa mga bansa ng tao. Akala ko madali lamang ito kagaya ng naglalakad sa liwasan. Hindi ito madali dahil nang sinabi ko, “Ang Kalooban ng Panginoon ang matutupad dito,” ang lahat ng mga hari ng sanlibutan, babae man o lalaki ay nakatutok ang mga baril nila sa akin at ang pag-uusig ay nagsimula.
Gayunpaman, maaari mang titindi ang digmaan mula sa mga bansa laban sa bansa, tahanan laban sa tahanan, mula sa lipunan laban sa lipunan, kaharian laban sa kaharian, tribu laban sa tribu, ang misyon ng Anak kung bakit siya ay hinirang at pinili ay magpapatuloy. Ito ay magtatagumpay. Ang Kalooban ng Ama ang matutupad dito sa sanlibutan, simula sa akin. Kaya ang Kaharian ng Panginoon sa Langit ay ang pamilya ng Kaharian ng Panginoon, na namumuhay sa ilalim ng pamumuno ng Ama sa pamamagitan ng Kanyang Hinirang na Anak.
PASISIMULA NG PAGHARI NG AMA SA PAMAMAGITAN NG ANAK
Ang Abril 13, 2005 ay red-letter day sa lahat ng Bansang Kaharian sa buong mundo dahil ito ang sumisimbolo sa pasisimula ng paghahari ng Ama sa pamamagitan ng Anak sa buong sanlibutan. Sa espiritu, ang paghahari ni Satanas na si Lucifer ang demonyo ay natapos na sa araw na iyon. Hindi ninyo ito mararamdaman sa pisikal. Hindi ninyo ito mararamdaman sa materyal ngayon, ngunit sa espirituwal, ang Panginoon sa Langit, ang ating Dakilang Ama ay bubuksan ang inyong mga mata. Makikita ninyo kung paano ang kaharian ni Satanas na si Lucifer ang demonyo ay nawawasak.
Makikita ninyo, maiintindihan lamang ninyo ang pisikal na digmaan ng mga bansa laban sa mga bansa kagaya ng nangyayari ngayon sa maraming parte ng sanlibutan gaya ng Iraq, Syria…ang digmaan na iginanti ng Amerika laban sa Iraq, at Iran. Iyan lamang ang nalalaman natin. Makikita ninyo ang mga jetplane na binobomba ang mga nagsisimulang away kagaya ng mga teritoryo ng IS na binobomba ng Russia. Sunod-sunod na mga jetplane at mga sunod-sunod na pag-atake sa pagtatangkang mawasak ang kaaway at ang kaaway naman ay magtangkang lumaban at makikita ninyo ang mga kasiraan sa paligid ninyo sa pisikal, sa materyal. Makikita ninyo ang mga lungsod na nasisira. Mapapanood ninyo ito sa BBC, sa CNN at sa iba pang mga international networks.
ANG DIGMAAN SA ESPIRITUWAL
Subukan ninyong isipin ano ang nangyayari sa espirituwal, kung saan hindi ito nakikita ng inyong mga mata. Ngunit makikita ko ang mga ito dahil ang Ama ay pinakita ito sa akin dahil ako ang namumuno ng digmaan na ito. Kung paano ang teritoryo ng kadiliman ay nawawasak sa mga Salita ng Ama sa pamamagitan ng Kanyang Hinirang na Anak nang sasabihin ko:
“Kukunin ko ang lungsod na iyan.”
“Kukunin ko ang bansa na iyan.”
“Kukunin ko ang mga bansa sa mundo.”
Ang Dakilang Panginoon, ang Panginoon ng Langit na siyang tumitingin sa sanlibutan na pinamayanihan ni Satanas na si Lucifer ang demonyo; lahat ng mga bansa, lahat ng mga lungsod; kanya itong pinamayanihan bago ang Anak na hinirang ng Ama ay darating upang wasakin ang mga teritoryo ng kadiliman —‘yan ang aking ministeryo —upang wasakin ang mga gawa ng demonyo. Kapag binuksan ng Ama ang inyong mga mata, simula Abril 13, 2005, makikita ninyo ang pagkasira ng mga kaharian ng kadiliman sa paligid ninyo. Makikita ninyo kung paano si Satanas na si Lucifer ang demonyo ay kumakaripas.
Kaya kayo mga mamamayan, kayo mula sa buong mundo, kabilang ang mga milyon-milyong nakatanggap ng aking mensahe at lumaya mula sa pagkaalipin, makikita ninyo kung paano napanalunan at napagtagumpayan mula sa lungsod hanggang sa lungsod, mula sa bansa hanggang sa bansa, sa buong mundo, nang kanilang matanggap ang mensahe ng kaliwanagan, walang magagawa si Satanas kundi ang kumaripas ng takbo. At may mga nakikipaghamok sa daan na mga matitibay sa paggawa ng kalooban ng tao, at ito ang mga rebelde na makikita ninyo na umuusig sa akin. Ito ang mga rebelde na nagsasalita ng hindi maganda sa Anak at patuloy nila akong tinatarget, ngunit ang kanilang mga bala ay kagaya lamang ng polbo na nawawala sa kahanginan. Hindi nila mapipigilan ang pananalasa ng katotohanan, ng kaliwanagan, ng kapangyarihan, ng pamumuno at nang napagtagumpayan sa pangalan ng Dakilang Ama, ang Kanyang Kalooban ay magaganap dito sa mundo. Saan mang lugar ako yayapak, ang Kanyang Kalooban ay magaganap.
(ITUTULOY)