Ni: Jonnalyn Cortez
INAPRUBAHAN sa pangatlo at huling pagbasa — by unanimous vote ng 297 — ang House Bill 85410, ang Philippine Space Development Act.
Layunin nitong magtayo ng Philippine Space Agency (PhilSA) na mamahala sa pagtataguyod ng national space program sa bansa at ang pagtatatag ng Philippine Space Development and Utilization Policy.
Erico Aristotle Aumentado at Seth Frederick Jalosjos
Inihain ni Senator Benigno “Bam” Aquino IV ang bersyon ng bill sa Senado at ang parehong bersyon naman nito ay inihain sa Kongreso nina Bohol 2nd District Representative Erico Aristotle Aumentado at Zamboanga del Norte 1st District Representative Seth Frederick Jalosjos.
Bam Aquino inihain ang Philippine Space Development Act sa Senado.
Ayon kay Senator Bam Aquino, “The PhilSA would be responsible for developing space science technology policies, implementing research and education programs, and establishing industry linkages between private and public sector stakeholders,” nakasaad sa explanatory note ng bill sa Senado.
“Lastly, the PhilSA would be our country’s representation for international space agreements and arbitrations.”
Magiging central government agency ang PhilSA na mangangasiwa sa lahat ng mga pambansang isyu at aktibidad na may kinalaman sa space science at technology application. Inilalarawan ito ng bill bilang “scientific principles” at “space science, engineering,” at iba pang may kinalaman dito.
Layunin din nitong gumawa ng isang framework para sa space policy na mangangasiwa sa anim na pangunahing development areas. Kabilang dito ang national security and development, hazard management and climate studies, space research and development, space industry capacity building, space education and awareness, at international cooperation.
Nakatakda namang ilipat ang mga trabahong may kinalaman sa astronomical space sa naturang ahensya mula sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Science and Technology (DOST).
Dati nang sinabi ni National Space Development Program leader Dr. Rogel Mari Sese na ang pamumuhunan na magkaroon ng isang space science ay magbibigay ng pangmatagalan at kayang itaguyod na benepisyo sa bansa.
“For every peso the Philippines would spend on a space program, the quantifiable return of investment would be about P2.50. So it’s not a money-losing venture —it’s a money-making venture, and that’s just based on infrastructure savings alone,” saad nito.
Mga trabahong pang space agency
Sa kasalukuyan, iba’t-ibang ahensya ang nagsasagawa ng mga trabaho na dapat ay pang space agency. Kabilang dito ang disaster risk management na hinahawakan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mga pag-aaral ukol sa astronomical science na ginagawa ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) at mapping na nasa ilalim ng National Mapping and Resource Information Agency (NMRIA).
Ang National SPACE Development Program ang bumubuo ngayon ng framework at nagtatatag ng foundation para sa space agency ng bansa.
Sasailalim ito sa DOST, na siya ring magpopondo rito. Susubaybayan naman ito ng DOST-Philippine Council for Industry and Emerging Technology Research and Development.
Eksklusibong magsasagawa naman ng Philippine Space Development Fund para gamitin sa mga operasyon nito.
Nakatakda itong magkaroon ng dalawang sangay na itatayo sa Clark Special Economic Zone sa Pampanga at Tarlac.
Pagyabong ng space science
Sa kabila ng kawalan ng isang central space agency, nagawa pa rin ng bansa na paunlarin ang space science.
Nailunsad na sa kalawakan mula sa Tanegashima Space Center noong Oktubre 29, ang pangalawang microsatellite na Diwata-2 na gawa sa Pilipinas. Katulad ng Diwata-1 na kayang kunan ng mga imahe ang mundo para sa mga environmental assessments, tutulong ito upang subaybayan ang lala ng magiging pinsala ng mga paparating na sakuna.
“The success of Diwata-1 and 2 is only the start of the success of our space explorations, and with the help of a centralized agency, I believe we can move further in developing Filipino space scientists, space science researchers, and astronomers,” saad ni Valencia.
Pagkakaroon ng space agency
Naniniwala ang mga nagsumite ng HB 8541 na ang pagpapaunlad ng agham at teknolohiya sa pamamagitan ng isang space program ay maaaring magpatibay ng nasyonalismo at pagkamakabayan.
Nakasaad din dito na tutulong ang mga programa nito na pangalagaan ang soberanya at territorial integrity ng bansa.
“As a developing country and emerging economic powerhouse in the Asia-Pacific region, it is crucial for the Philippines to embark [on] the efficient utilization of space science and technology applications to address various national development and security issues,” saad nina Aumentado at Jalosjos sa explanatory note nito sa Kongreso.
“A Philippine Space Agency, with its consolidated programs and strategies for space science and technology, will pave the way for future Filipino astronomers, space scientists, and astronauts by laying down a strong foundation in space science education and research,” paliwanag naman ni Aquino sa explanatoy note ng bill sa Senado.
Nakatakda nang bumuo ng komite na siya namang gagawa ng pinagsama-samang bersyon ng bill na siyang ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pag-apruba.