Ni: Eugene Flores
SA panahong ang mga kabataan ay patuloy na nahuhumaling sa paggamit ng gadgets, tiyak na pagkakaguluhan ang pagpasok sa bansa ng Realme, isang smartphone brand.
Ang Realme ay nabuo mula sa Chinese brand na Oppo, upang makapagbigay ng smartphones na hindi tataas sa P15,000. Unang lumabas ang brand na Realme noong Mayo sa bansang India na pinapangunahan ni Sky Li, dating global vice president ng Oppo. At sa kalahating taon pa lamang nito sa industriya ay nakapaglunsad na ito sa mga bansang Vietnam, Malaysia at Thailand. Dagdag pa rito ang pagbubukas ng Realme sa Pilipinas.
BEST-SELLING SMARTPHONE NG LAZADA
Sa katatapos na 11.11 sale ng Lazada, isang online shopping at selling destination sa Timog-Silangang Asya, nanguna ang Realme sa mga pinakamabentang smartphone. Dinaig pa nito ang mga brand na Samsung na pumangalawa, Xiaomi, Apple at Huawei.
Sa loob lamang ng 21 minuto ay nakabenta na ang Realme Indonesia ng 40,000 smartphones na siyang gumawa ng bagong sales record. Isang libong smartphones naman ang nabenta sa Thailand sa loob lamang ng walong minuto sa sikat na 11.11 online shopping. Sa Malaysia, 2,500 ang nabenta sa loob ng dalawang oras.
Ang malakas na benta ng Realme ay nagpapatunay na isa ito sa pinakamainit na smartphone ngayon sa Timog-Silangang Asya. Nakapagtala rin ito ng sold-out sales at pinakamabilis na paglaking brand.
Naging malakas ang simula ng Realme brand sa India bago pa man nanguna sa online shopping platforms matapos makapagbenta ng apat na milyong smartphone sa loob lamang ng tatlong buwan.
Ayon sa brand, ipagpapatuloy pa nila ang pagasaliksik at pag-improve ng kanilang smartphone upang makasabay sa trend at makuha ng mga konsumer, lalo na ang mga kabataan, ang kanilang nais sa isang smartphone.
“As a new smartphone brand in South East Asia, our achievements in the recently concluded 11.11 National Online Shopping Day in Lazada is a testimony that Realme is a game changer brand. With our upcoming launch in the Philippines, we are confident of delivering a new value to Filipino consumers soon,” wika ni Realme SEA Marketing Director, Josef Wang.
ANG launching ng Realme sa Pilipinas
KATANGIANG TUNAY ILABAS
Layunin nito makapagbigay sa kabataan ng produktong garantisado ang tibay, husay at pasok sa makabagong porma upang mas mailabas ng bawat isa ang kakaibang katangian at kagalingan.
Pokus din nito ang mga kabataan na nais mas magawang personal ang kanilang mga smartphone at upang makamit ang nais na kasiyahan dito.
Ayon sa kanilang datos, mga kabataan din ang pinakarami nitong consumer.
Mabilis din itong nakapagbuo ng “community” sa mga kabataan para sa mga gumagamit at nais gumamit ng brand.
Patuloy sa pag-abante ang Realme at kasalukuyan ang may pinakamataas na smartphone rating na may iskor na 4.5 out of 5 sa Amazon India’s Best Sellers list.
Hindi lalagpas sa P15,000 ang presyo ng Realme at mayroon silang apat na smartphones. Unang una rito ang Realme 1 na lumabas noong Mayo. Nagkakahalaga ito ng 10,490 rupees o P7,780.43. Sunod na inilabas ang Realme 2 noong Agosto na nagkakahalaga lamang ng 8,990 rupees o P6,667.88. Noong Setyembre nilabas ang Realme 2 Pro na nasa 13,990 rupees o 10,376.38 pesos at Realme C1 na nasa Rs. 8149 o 6,044.11 pesos. Ang mga ibinigay ay presyo sa India na itinumbas sa peso ngunit ang presyo ay maaaring magbago kapag pormal na inilunsad ang brand sa bansa.
NABURA rin ng Realme ang sales record ng Flipkart sa India
BAGONG SMARTPHONES BAGONG LOGO
Ito ang inihayag ng realme. Ang mga kasalukuyang smartphone ay gagamit pa rin ng lumang logo ngunit ang susunod ay may bagong logo na. Kamakailan ay inilunsad nito ang bagong logo na likha ni Eddie Opara, ang partner at chief designer sa Pentagram design consultancy.
Sinisombolo umano ng malaking letrang “R” ang original na hangarin ng brand na magbigay ng dekalidad na produkto sa kabataan samantalang ang maliit na letrang “r” ay simbolo ng tunay na sarili ng mga kabataan.
“Realme hopes to create a symbol for young people through the new brand logo, the one they can identify with, and where they see a visual symbol of their emotional identity and belonging,” wika ni Li na tuluyang humiwalay sa Oppo noong Hulyo upang ituloy ang Realme brand.
Inaabangan at inaasahang magiging matagumpay ang pagpasok ng Realme sa bansa. Maari sila sundang sa kanilang social media pages tulad ng Twitter, Youtube, Facebook at Instagram.
“We have worked hard to prepare the launching of Realme Philippines, as early as now we will listen to and understand the needs of Filipino consumers to provide appealing offers and campaigns.” Wika ni Jacky Chen, chief operating officer ng Realme Philippines.