Ni: Louie Montemar
Bantayan nating maigi ang mga paparating na usapin sa Senado lalo na ang tungkol sa buwis. Noong Disyembre 2017 kasi, habang may kasiyahan sa Kongreso, ipinasa ng halos palihim sa pulong ng iilang mambabatas ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Package 1 (TRAIN 1). Naramdaman na natin ang bigat na dala nito sa naging pagtaas ng mga bilihin, kaya nga mismong mga mambabatas narin ngayon ang nagsasabing isuspinde muna ang ilang buwis na dala ng TRAIN 1, gaya ng dagdag-buwis sa mga produkto ng petrolyo. Ngayong parating na 2019, mulingtataas pa ang nasabing uri ng buwis kung hindi maitutulak ang pagsuspindi dito.
Higit pa rito, ipinanukalanaang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Package 2 (TRAIN 2). Inaprubahannaito ng Kapulungan ng mgaKinatawan (House of Representatives) saikatlo at hulingpagbabasa—may 187 napagbotongpabor, 14 laban, at 3 abstentions. Magpapataasdawitosakita ng mgakorporasyon, maliliit man o malakidahilibababanitoang corporate tax.
Pinalitanrinangpangalan ng TRAIN-2. Opisyalnatinatawagnaitobilang Tax Reform for Attracting Better ang High-Quality Opportunities o TRABAHO, tilaupangmaidistansiyaitosakontrobersyalna TRAIN-1.
Bakit TRABAHO? Kung maibabadawangmga corporate tax, mas lalakiangkita ng mgakorporasyon, kabilang na ang mga small and medium enterprises o SMEs. Dahildito, mahihikayat nito ang paglago ng mga SMEs at ibang pang maliliit na negosyo, at an gpagpapataas ng pasahod sa mga manggawa at mga namamasukan. Insentibo raw itosapaglago ng trabaho at kabuhayan.
Magin ganuman ang itawag sa TRAIN 2, ito ay kakambal ng TRAIN-1 sa iskema ng administrasyon upang ireporma ang sistema ng buwis sa bansa. Ang tunay na epekto nito ay makikita lamang natin sa pagpapatupad nito.
Sangayon pa lamang, may mgapagpunanasa TRAIN 2 o TRABAHO. Halimbawa, may mga senador na pumupuna sa pagpapataas nito sa buwis sa palimbagan at produksiyon ng mgaaklat —kaya ngahindi pa ito naaaprubahan sa Senado. Kung hindi babaguhin ang probisyong ito, lalo lamang mababansot ang industriya ng palimbagan sa bansa at may epekto ito sa ating sistemang pang-edukasyon.
Bantayan natin ang TRAIN-TRABAHO na ito. Baka masagasaan nanaman tayo.