Ni: Kristine Joy Labadan
KUNG naniniwala ka na ang iyong mga iniisip ay inilalarawan kung ano ka, tunay na ang iyong buhay ay nag-uugat mula sa iyong mga iniisip.
Hindi sapat na umasa tayo sa ating mga iniisip, marapat na masalamin nito ang ating mga ginagawang aksyon upang mangyari ang tunay nating intensyon.
Ilan sa mga halimbawa ng mga pariralang angkin ang abilidad na magpalakas ng loob ng isang tao ay makikita sa ibaba:
1.) Ako ang arkitekto ng aking buhay; ako ang nagtayo ng pundasyon nito at ako ang mamimili ng lalamanin nito.
2.) Ang dagat ng pagkahabag ay hinihugasan ang aking galit at pinapalitan ito ng pagmamahal.
3.) Ako’y matapang at tatayo para sa aking sarili.
4.) Lahat ng nangyayari ngayon ay nangyayari para sa mas ikabubuti ko.
5.) Datapwat mahirap ang aking pinagdadaaanan, ito’y pansamantalang yugto lamang ng aking buhay.
Maaaring baguhin ang mga kasabihang ito o di naman kaya’y gumawa ng sariling pampalakas ng loob base sa sariling mga kahilingan at pangangailangan. Ang mas importante ay ang maayos na komunikasyon sa uniberso – sabihin ito ng may konbiksyon, sa iyong sariling boses at gawin itong makatotohanan.