Pinas News
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng Pinay household service worker na binitay sa Saudi Arabia.
Naganap ito noong nakaraang Martes.
Sa pahayag ng DFA, batay kay Ambassador Adnan Alonto ay isinagawa na ng Saudi Authorities ang sentensya sa 39-anyos na Filipina.
Napatunayan ang Pinay na guilty sa kasong murder.
Ayon sa DFA, nalulungkot sila na hindi nila nailigtas ang buhay ng Pinay.
Matapos ituring ng Saudi Supreme Judicial Council ang kanyang kaso na hindi maaring i-apply ang blood money sa ilalim ng Shariah Law.
Sinabi ni Ambassador Alonto na naipagkaloob naman ang lahat ng tulong na kailangan ng Pinay sa kasagsagan ng paglilitis.
Dagdag pa ng DFA, napaalam na nila ang balita sa pamilya ng biktima na humihingi ng privacy sa panahon ng kanilang pagluluksa.