MAHILIG sa matatamis at matatabang pagkain ang mga Pinoy ngunit kalaunan naman ay nagkakasakit.
Ni: Vick Tanes
BAGONG Taon na at Bagong Buhay. Year of the Pig ngayong 2019. Alam ng lahat na ang pig ay baboy kaya sa salitang barubal, hindi natin kailangang maging baboy para umasenso. Kailangan ng disiplina sa katawan at sarili para mas umunlad ang pamumuhay.
Marami ang dapat na baguhin sa mga maling gawain. Mahirap man ngunit marami namang paraan upang mabago ito. Ito ay mga maling gawain ng Pinoy na nakakasanayan na at kung minsan ay kinatatamaran nang baguhin.
- Hindi nag-aalmusal. Alam ba ninyo na halos isa sa bawat tatlong Pilipino ang hindi nag-aalmusal? Ito ay malaking kamalian, dahil sa almusal kumukuha ng lakas ang ating katawan para magtrabaho, mag-isip at magkaroon ng enerhiya. Ang almusal ang pinakamahalagang pagkain natin sa buong araw. Ang mga batang nag-aalmusal ay nagiging mas matalino at mas mataas ang grado sa paaralan at mas gaganda rin ang performance sa trabaho ng mga office workers.
- Kakulangan sa pagkain ng gulay at prutas. Mainam sa katawan ng isang tao ang pagkain ng dalawang tasang gulay at dalawang tasang prutas sa bawat araw. Sa ganitong paraan, makukuha nila ang lahat ng kailangang mga bitamina at minerals. Sa mga bata at sa mga payat na tao, puwede na ang isa at kalahating tasa ng gulay at prutas araw-araw.
- Mahinang pag-inom ng tubig. Maraming Pinoy ang mahinang uminom ng tubig. Minsan tatlong baso lang ang naiinom nila sa isang araw. Kailangan natin ng anim hanggang 10 baso sa isang araw. Matutulungan kasi ng tubig ang mga sakit tulad ng UTI, sakit sa bato, panghihina, constipation at pangungulubot ng balat.
- Mahilig sa matatamis, dessert man o inumin. Ang pagkain o pag-inom ng sobrang matatamis ay puwedeng magdulot ng diabetes, katabaan at sakit sa puso rin. Limitahan ang pag-inom ng soft drinks, canned juices at iced tea. Mas piliin ang fresh fruits, green tea at tubig.
- Extra rice, please. Ayon sa pagsusuri, ang sobrang pagkain ng kaning puti ay puwedeng magdulot ng diabetes at katabaan. Bawasan ang pagkain ng kanin at palitan ito ng gulay at prutas. Mas mainam din ang pagkain ng brown rice at wheat bread, kumpara sa kanin puti.
- Taba, aligi, balat ng manok, lamanloob, bawal ‘yan. Bawasan o kung maaari ay iwasan na lamang ang mga matatabang pagkain tulad ng lechon, crispy pata, chicharon, lamanloob, at taba ng baboy at baka. Kung ang mantika nito ay nagiging sebo kapag nalamigan, ganoon din ang mangyayari sa taba sa loob ng iyong katawan. Kung ayaw mong atakehin sa puso, bawasan ang pagkain nito.
- Sobra sa pag-inom ng kape at energy drinks. Masama po sa katawan ang sobra. Puwede kayo magkaroon ng nerbiyos, palpitation at hindi pagkatulog. May iba naman na umaasa sa energy drinks para labanan ang kanilang pagkapuyat. Mali rin po iyan. Para magkaroon ng energy, kumain nang tama, magpahinga ng sapat at umiwas sa bisyo.
- Kulang na sa kalinisan sa katawan. Ang paghugas ng kamay ang pinaka-magandang paraan para makaiwas sa sakit. Maraming sakit ang nakukuha sa maruming kamay tulad ng pagtatae, sore eyes, typhoid fever, tuberculosis, pigsa, at iba pa. Maghugas palagi ng kamay. Kung walang tubig at sabon, gumamit ng alcohol. Dapat ding ugaliin ang pagsisipilyo ng ngipin dahil ang bacteria sa ngipin ay nakapagdudulot ng sakit sa puso. Kaya naman simple lang ang solusyon, magsipilyo ng tatlong beses sa bawat araw at gumamit din ng dental floss upang makuha ang nakasiksik na tinga.
- Kulang sa tulog. Kailangang mag-ingat ang mga taong kulang sa tulog at laging gumi-gimmick. Ayon sa pagsusuri, ang mga laging puyat ay mas mataas ang insidente ng sakit sa puso at kanser. Kaya naman kung ikaw ay nagtatrabaho sa night shift, kailangan ay doble ang iyong pag-aalaga sa sarili. Siguraduhing masustansya ang iyong kinakain at sapat ang iyong pahinga.
- Ayaw magpa-check-up. Karamihan sa mga Pinoy ay ayaw magpa-check up sa doktor. Kailangan pang pilitin para pumunta sa clinic. Dapat na magpatingin ng maaga para malaman at maagapan