BEEPBEEP.PH handog ang mga serbisyong car repair at iba pa online.
Ni: Jonnalyn Cortez
SA PANAHONG ito ng easy installment plans at low down payment, mag-iisip pa rin ng makailang beses ang isang nagnanais bumili ng sasakyan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at ang maintenance cost na hindi maiiwasan.
At kapag inilabas na ang sasakyan sa daan, nariyan ang mga pagsubok na kaakibat ng pagmamaneho araw-araw: ang salasalabit na trapiko kahit saan pumunta, mga paghukay sa kalsada, init ng ulo ng kapwa motorista, mga traffic aide, mga motorsiklong pasingit-singit sa bawa’t espasyo sa daan, mga tumatawid sa di tamang tawiran, at kapag may bagyo, ibang sakit ng ulo ang titiisin. Sadyang napakahaba ng listahan ng nagmamay-ari ng sasakyan.
Ngunit sa harap ng mga ito, maraming dahilan pa rin kung bakit bumibili ng sasakyan ang motorista.
At ngayon, bukod sa mga batas trapiko na kailangang sundin, dapat ding maging maingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang makabangga, mabangga at masira ang minamaneho. Hindi biro ang maintenance cost at pagpapa-repair ng sasakyan sa ngayon. Pero kung may pera ka nga at kakayahan na ipagawa ito, may oras ka ba na dalhin ito sa pagawaan?
Dito sa pangangailangang ito pumapasok ang website at app na BeepBeep.ph na dinebelop ni Anton Ojeda, dating country manager ng restaurant directory na Zomato.
Nais ni Ojeda na maging madali para sa karamihan ang pagkakaroon ng sasakyan sa pamamagitan ng mga inaalok nitong serbisyo. Ang Beepbeep.ph ay may malaking database na naglalaman ng mga address ng service providers sa buong Metro Manila mula sa malalaking auto dealer at kasa hanggang sa mechanic shops at maliliit na talyer at vulcanizing shops.
Sa kabuuan, meron itong 7,000 registered shops na pawang may mga permit upang siguruhin ang seguridad ng sasakyan ng kanilang mga kliyente.
Gamit ang app, makikita ng user ang pinakamalapit na pagawaan sa kanyang lugar, ano ang mga specialized services nito at estimated cost ng ipagagawa niya. Pagmamalaki ni Ojeda, ang simpleng pag-search sa Google ay hindi kayang ibigay ang serbisyong handa silang ibigay sa mga may-ari ng sasakyan.
ANTON Ojeda pinangako at siniguro ang safety ng mga sasakyan sa Beep-beep.ph.
Paano nagsimula ang Beepbeep.ph?
Nagsimula ang konsepto ng Beepbeep.ph nang umalis ang drayber ni Ojeda at kinailangan niyang dalhin ang kanyang sasakyan sa pagawaan. Dahil sa kawalan ng oras at pagiging sobrang abala, pinadalhan siya ng kanyang kaibigan ng mekaniko na kukuha ng kanyang kotse mula sa bahay at saka ito gagawin.
“I enjoyed the convenience, and asked him why he does not offer that service to others. He told me that he did not have the capability for it. Then that got me to thinking about building the platform. Fortunately, I found people to believe in it and invest — friends and people I have worked with before. We are an all-Filipino group,” wika ni Ojeda.
Dahil hindi kabisado ng lahat ng customer kung saan ang mga pagawaan ng sasakyan sa buong Metro Manila, inilagay ni Ojeda at ng kanyang mga kasamahan ang lahat ng impormasyon na ito sa isang app. Pumunta sila sa Securities and Exchange Commission (SEC), mga business center at car establishments.
“We went out and sent our own guys to each street in Metro Manila and count all car service establishments. We put all the information in our website,” dagdag nito.
Plano ni Ojeda na palawakin pa ang kanilang negosyo sa kalagitnaan ng taon. Pagkatapos na dalhin ito sa buong bansa, marami rin ang nagpahiwatig ng interes na ipakilala ang serbisyong ito sa iba pang bansa sa Southeast Asia.
“We will be off to another country, most likely in Southeast Asia, probably Thailand or Indonesia. We already have people who are interested and we are talking about it,” sabi ng chief operating officer ng Beepbeep.ph na si Gianpaolo Acosta.
“In the tech startup community here and now, it is always investment, investment, investment. We took a different approach with business, business, business. We will see if it is a good one. So far, so good,” pagmamalaki nito.
Galing naman ang revenue ng app sa iba’t-ibang advertiser na hindi lamang sumesentro sa sasakyan, kundi sa iba pang mga serbisyo at produkto.
“We have insurance companies and banks. They reach out to our audience with their products, to show what insurance options are out there,” paliwanag ni Ojeda.
LAHAT ng serbisyong kailangan para sa sasakyan na sa Beepbeep.ph.
One’stop shop para sa sasakyan
Maraming serbisyo ang inaalok ng Beepbeep.ph. Para itong one-stop shop para sa sasakyan kung saan matatagpuan lahat ng serbisyong kinakailangan ng mga may-ari ng kotse.
“If you need towing service, battery replacement, oil, gas, car wash or auto repair, you can call our hotline 24/7. If you are among a lot of people who lock your cars with the keys inside, we can help you. We also provide roadside assistance service. It is the first of its kind here,” sabi ni Ojeda.
“You won’t find another company doing everything for cars. Our valet service is the first in the world. Nobody does that,” dagag niya.
Meron ding pickup at delivery ang nasabing app at concierge service, kung saan maaaring pumili ang user ng driver na kukuha ng kanyang sasakyan sa bahay at dadalhin ito sa pagawaan at ibabalik sa bahay ng kliyente.
Wala naman dapat ipag-alala ang mga may-ari ng sasakyan dahil sinisiguro ni Ojeda na safe at secure ang kanilang mga kotse.
“The drivers have body cams, and the company installed a dashcam on the car that can also be tracked via GPS. It also has a checklist of items, and owner and driver have to look over the car before it leaves. This is to ensure that nothing will go missing and the car will not come back with new dings,” paglilinaw nito.
Pawang mga professional license holders na dumaan sa matinding screening at pumasa sa training at driving tests ng kumpanya ang mga driver nito.
Bukod dito, may mobile carwash at home service ang Beepbeep.ph. Ilan nga sa mga alok nito ay maintenance at mechanical repairs, wheels at tires, detailing, battery, insurance at Land Transportation Office (LTO) registration, body repair, paint at wrap, parts at accessories.
Kauna-unahang Manila Autocon
Sa kauna-unahang pagkakataon, sisimulan ng Beepbeep.ph ang unang automotive convention at exhibit sa bansa, ang Manila Autocon na gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City mula sa Enero 31 hanggang Pebrero 3. Itatampok dito ang dating wrestler na ngayon ay kilala ng aktor sa Hollywood, ang Filipino-American na si Dave Bautista.
Pinapangako ni Ojeda na magiging kakaiba at world-class ang darating na automotive event.
“Most expos around the world are an overall show, not just on a specific thing. That is what we want to do here. We want to make it world class. How do we do that? We have to have some world class things happening,”
Ipinangako rin ni Ojeda na hindi lamang kalalakihan ang mag-eenjoy sa convention kundi pati mga babae, bata at matatanda. Nais nitong gawing family-oriented ang event na maaaring daluhan ng kahit sino.
“It should be a family experience,” wika niya.
Inahandog sa unang araw ng kombensyon ang mga kilalang entrepreneurs sa industriya, thought leaders, game changers at innovators na siya namang tatalakay sa iba’t-ibang paksa tulad ng digitalization, business expansion, new technology, consumer trends at public relations na may kinalaman sa mundo ng automotive.
Magkakaroon din ng dalawang exhibit sa pagpupulong na magtatampok ng iba’t-ibang sasakyan at accessories kabilang ang serbisyo at produktong may kinalaman sa kotse. Inaasahang dadaluhan ito ng 500 katao.