Ni: Eugene Flores
MATAPOS ang anim na season na paglalaro sa koponan ng Rain or Shine Elastopainters, nagdesisyon na ang point guard na si Chris Tiu na lisahin ang basketball upang pagtuunan ng pansin ang negosyo at pamilya.
Ang 33 anyos na si Tiu ay naglaro rin ng apat na taon sa Gilas Pilipinas.
Ginawang opisyal ni Tiu ang pagreretiro matapos mag-post sa Twitter: “My heartfelt gratitude to every person who has been part of my basketball journey!! Most especially to our Lord who makes all things possible. It’s now time to move on. My heart is full. #17 signing off.”
Kamakailan ay pinili na nitong maging full-time businessman.
Aniya nais din niyang mas makasama ang pamilya nang mas matagal.
Unang pumasok ang Ateneo graduate sa PBA noong 2012 bilang seventh pick at nagwagi ng kampyeonato noong 2016 Commissioner’s Cup..
Nagpahayag naman ng suporta ang koponan sa naging desisyon ng manlalaro.