Ni: Jonnalyn Cortez
Pumirma ng eksklusibong kontrata si Heart Evangelista sa GMA Artist Center kasama ang mga matataas na opisyal ng network.
Napagtanto ni Evangelista na mas mabuting isang “experienced group” ang humawak ng kanyang career sa showbiz dahil na rin sa kaliwa’t-kanang mga commitments nito para na rin masigurong lalo pa niyang mapagyabong ang kanyang potensyal sa larangan ng telebisyon at pelikula.
Sa loob ng maraming taon, hinawakan ng ina ng loyal Kapuso star na si Cecilia Ongpauco at isang personal team ang kanyang career.
“It’s very natural for me to be with GMA Artist Center because I’ve been with GMA for a very long time,” paliwanag nito.
“So malaki rin talaga ang utang na loob ko sa kanila for being there for me through the years, and especially now when they’re very supportive pagdating sa aking international commitments.”
Tinaguriang “Queen of Creative Collaborations” si Evangelista dahil na rin sa mga tagumpay na natamo nito ngayong taon. Mula sa pagiging sikat na artista sa Pilipinas, kilala na rin ito bilang international fashion figure, visual artist, manunulat, at iba pa.