Namamayagpag pa rin sa liga ang four-time MVP sa edad na 34
Ni: Eugene Flores
SA IKA-16 na season nito sa NBA hindi pa rin kumukupas sa puso ng nakararami si LeBron James na siyang nangunguna sa botohan para sa 2019 NBA All-Star na gaganapin sa Charlotte.
Bagama’t matagal na hindi nakalaro dahil sa iniindang groin injury, hindi ito naging alintana upang patuloy na magdomina sa puso ng mga basketball fan si James. Pumapangalawa rito ang Milwaukee Bucks star player na si Giannis Antetokounmpo, pasok din sa mga nangunguna sa botohan ang nagbabalik na si Derrick Rose at ang magreretiro nang si Dwyane Wade.
Ang three-time NBA champion na si James ay nagpunta sa Los Angeles Lakers nung off-season matapos ang bigong kampanya sa Cleveland Cavaliers.
Hindi maikakaila ang epekto ng isang LeBron James sa NBA maging nasa court o hindi, ito’y matapos tuluyang buksan ni LeBron ngayong off’season ang kaniyang sariling paaralan na I Promise School para sa mga batang nangangailangan sa kanyang lugar na tinubuan, ang Akron, Ohio.