SMNI News
MAITUTURING ngang isang makasaysayang taon ang 2018 para sa NBA star na si ‘the king’ LeBron James matapos pangalanan ito ng the associated press bilang male athlete of the year.
Inanunsyo ang pagkapili kay LeBron James matapos makakuha ng 78 points mula sa US editors at directors ng the associated press.
Napili si James na muling parangalan kasunod ng patuloy nitong pamamayagpag sa paglalaro ng basketball at pagkakapasok ng walong sunod na pagkakataon na kaniyang koponan sa NBA championship.
Naging malaking basehan din ang pagpapatayo nito ng ‘I Promise School’ sa kaniyang hometown sa Akron, Ohio na naglalayong maimulat ang lahat ng kabataan sa kanilang mga potensyal at kakayahan.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang adhikain ng masasabi ding activist na si LeBron James na mas palawakin pa ang kaniyang adbokosiyang “Shut Up and Dribble”.
Ito na nga ang ikatlong pagkakataon na nakuha ni ‘The King’ LeBron James ang titulo mula noong 2013 at 2016.