NG pagiging mapagpaubaya sa kapwa ay tanda nang kakayahang umunawa sa kapwa.
Ni:Kristine Joy Labadan
KARAMIHAN ng mga malayong kamag-anak ng mga Pinoy ang tila kinahiligan na tayo’y biruin bagamat hindi ito nakakatawa at nakakatuwa ngunit isa sa ating pagkakapareho ay ang mga naging karanasan natin mula sa mga taong hindi natin gusto.
Bakit nga ba natin kailangang maging mapagpaubaya sa iba?
Ang pagpapaubaya ay ang kagustuhang tanggapin ang ibang tao at ang kanilang pinaniniwalaan kahit na hindi tayo sang-ayon sa kanila. Ito ang kabaliktaran ng pagiging malupit sa kapwa.
Narito ang ilan sa mga paraan na makakatulong upang mas maging mapagpaubaya sa iba.
Makinig nang maigi nang hindi tumatalon sa isang konklusyon
Tunay na napakadaling iwasan ang mga taong hindi mo gustong nakakausap. Sa isang pagkakataon, pakinggan mo ang kanilang sasabihin. ‘Wag isipin ang ilang di mabuting bagay na sinabi ng iba patungkol sa iyong kausap. Makinig tayo sa kanila kahit saglit lamang dahil lahat ng tao’y gustong napapakinggan.
Subukang intindihin ang kanilang pinanggalingan
Kung nakakatawa at kataka-taka ang ikinikwento sayo’y, iwasang sabihin na ito’y kakatwa para sa’yo. Kung hindi ka talaga sigurado sa puntong nais nilang ipahayag ay mabuting tanungin mo sila. Subukang intindihin ang kanilang sinasabi dahil maaaring hindi nila mainam na naihahatid ang kanilang gustong ipahayag.
Sumang-ayon na hindi sumang-ayon
Maaaring hindi ka sang-ayon sa isang tao at sa kanilang paniniwala at opinyon, ‘yun ay ayos lang naman. Lahat tayo ay magkakaiba at kapag natanggap mo na’ng ayos lang na sumang-ayon na hindi sumang-ayon, tiyak na mas mapapadali ang pakikipag-diskusyon mo sa iba.
Ang pagiging mapagpaubaya sa iba ay pahihintulutan kang lumabas sa ‘yong comfort zone at palawigin pa ang ‘yong social circle. Malay mo’y mas masaya ka pala na kasama ang isang tao kung pinakinggan mo lang sila at hindi iniwasan.
Umaksyon at alamin ang magiging resulta ng pagpapaubaya.